12

17.6K 259 11
                                    

MILDRED'S POV 

"Saan kayo nagkakilala?"

 

"Ano mo siya?"

 

"Bakit ganun na lang ang pagtrato niya sayo?"

 

"Boyfriend mo ba siya?"

 

"Ex mo ba siya?"

 

"Fiancee mo ba sya?"

 

"Sya ba ang ama ng dinadala mong sanggol?"

 

*PAK*


Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay, eto agad ang nadatnan ko. Sila Luke, Steven, Kyle, at Silver. They're interrogating me.

"Bakit  ba kayo tanong ng tanong? Bakit nyo ba kailangang malaman?"I asked. Hindi naman kasi pwedeng idahilan nila na curious lang sila sa "past" lovelife ko no.

*SILENCE*

Wala namang sumagot sa tanong ko so, i guess na clear na ko?

Tumayo ako at.  "Okay bye."nagpaalam.

 

"Where do you think you're going?" tanong ni Silver. Pinigilan ako nitong umalis. Um. Hindi pa ba tapos ang pagtatanong?

"Sa kwarto ko?"Simpleng sagot ko. Gusto ko na rin muna kasing magpahinga. Pero mukhang mahaba haba ang paguusap namin. Tsk.

 

"Hindi pa tayo tapos magusap." sabi naman ni Kyle. Ugh. Kailan ba 'to matatapos?

"Hindi pa ba? Akala ko tapos na." sarcastic na sagot ko. Nung nagtanong ako kanina, hindi naman sila sumagot. Tapos ngayon?

 

"Ano mo ba kasi siya Mildred?" tanong naman ni Steven. Ano bang kailangan ng mga 'to? Masyado naman atang curious sa buhay ko.

 

"Hot seat ba ito? Ang daming tanong ah? Future Boy Abunda ang dating...PANALO!"Panalong panalo! Daming tanong eh. Buti sana kung may prize di ba? Eh di sana ginanahan akong sumagot.

At dahil sa pagiging pilosopo ko ay nabatukan ako. Okay po behave na po ako.

"Just answer our damn question!" Sigaw ni kuya. Opo kuya di na po ako magiging pilosopo. Di na po. Pilosopa na lang po kasi babae ako. Hehe

 

"Ano ba kasi yung tanong nyo?"Tanong ko ulit kahit na obvious naman at alam ko na ang tanong. Naninigurado lang.

"Ay? Kailangan paulit ulit ganon?"Sarkastikong sagot ni Kyle. Oo Kyle. Kailangan paulit ulit para maalala ko. Mga ganun?

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon