8.3

22K 326 23
                                    

**

"Teka nga lang." ang bilis bilis maglakad ng antipatiko na 'to. Akala mo naman may lakad na hinahabol. Pagod na pagod na 'ko. Ang lalaki pa ng bwisit na 'to.

Tinignan ako nito ng masama. ""Tss. Slow"

"Excuse me." pumunta ako sa harap nito at pinakita sa kanya ang mabibigat na libro na pinabuhat nito sa'kin. "Kung ikaw kaya ang magbuhat nito?" 

Tinignan lang ako nito at hinawi ako sa daan. The nerve!

Kung hindi lang dahil utos 'to ni kuya ay hindi rin ako papayag. Kahit pa magkapisikalan pa kami ni Steven. Pero wala akong choice ngayon. I really need to earn my kuya's trust ulit and forgiveness.

Pero ugh! Ano nya ba 'tong si Steven? Don't tell me na isa rin sya sa mga housemates ni kuya? Because I will be damned!

Kung sakali mang isa ito sa mga housemates ni kuya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Okay na 'ko kila Kyle at Silver. Pero with Steven? Baka kung ano pang magawa ko dito. Pasalamat siya at wala akong kakilalang mangkukulam kung hindi ay baka pinatusok ko na 'to diyan sa matatanda sa Quiapo. Bwisit!

Napabuntong hininga na lang ako. Sumasakit na yung braso ko sa pagbibitbit ng mga libro ng bwisit na 'to. Hindi pa man din ako sanay magbuhat ng mga ganito. From buhay prinsesa to buhay alipin real quick!

"Can you please walk faster?"

Inirapan ko ito. Kailangan kong i-save ang natitirang energy ko para mamaya. Ayoko na rin munang sagutin ito at makipag-bangayan pa sa kanya. Baka maibato ko 'to sa kanya ng wala sa oras.

Nakarating na kami ngayon sa library. Isa isa ko ng binaba ang mga libro sa lamesa. Inutusan ako ng mahal na hari na maghanap ng libro about sa math dahil iyon daw ang kanyang favorite subject.

Hindi man lang nag-offer ng seat ang bwisit na 'to. 'Di man lang ako pinagpahinga ng saglit.

"Ano ba kasi yung hinahanap mo na libro?" tanong ko dito. Na-realize ko na hindi ko pala naitanong sa kanya yung title at author ng pinapahanap niya. Pagod na 'ko. Gusto ko na umuwi.

"Stay there."

Tumayo ito at agad na umalis. Buti naman. Ako naman ang uupo ngayon. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang panyo. Naka-aircon naman ang library pero grabe ang pawis ko. Paano ba naman kasi? May elevator naman pero naghagdan pa kami. Ang rason sa'kin ng bwisit na 'to ay para makapag-exercise siya. Hindi ko gets kung bakit kailangan niya pa 'kong damay. 

"Here." nilapag niya ang apat na libro sa harap ko. Jusko. Tinitignan ko palang ito pero gusto ng sumuko ng mga kamay ko.

"Ano bang gagawin mo sa mga 'to?"

"I'll study them all." 

Napairap ako. Dagdag pasanin pa talaga. Hindi na 'ko magtataka kung hindi na 'ko tumangkad.

"Let's go."

Nagsimula na itong maglakad palabas ng library. Hindi man lang ako inantay!

Isa isa ko ng nilagay sa kamay ko ang mga libro. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng braso ko. 

Tahimik lang kaming naglalakad ng bwisit na 'to. Buti naman. Hindi ko yata kayang makinig sa pang-iinsulto nito sa'kin ngayon.

Mukhang papunta kami ng cafeteria ngayon. Tamang tama. May gusto rin talaga akong itry na pagkain doon.

Sana lang ay libre niya. 

Napatigil ito sa paglalakad kung kaya naman ay napatigil din ako. Hindi naman kasi ako pwedeng dumiretso sa paglalakad dahil unang una, baka magalit nanaman ito at magsumbong sa kuya ko. Alam mo na. Hawak nya ang alas.

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon