8.5

21K 323 22
                                    

*

"You don't have to rush things, Mildred."

Kanina pa ako sumisinghot sa harap niya. Paano ba naman kasi ay hinila niya ako papunta dito sa kusina para lang magbalat at maghiwa ng sibuyas. Bakit ba ang tapang nito sa mata?

Hindi naman sa pagr-reklamo pero kasi ang wrong timing naman nito. Kakaligo ko lang pero ngayon ay nangangamoy ulam na ako. Hay! Sayang ang pagbababad ko sa bathtub kanina.

"Ilang sibuyas ba ang kailangang hiwain?" sabi ko. 

"Three."

Tahimik ang buong kusina. Busy naman ito sa pags-season ng manok na lulutuin niya raw mamaya. Hindi ko alam kung bakit parang ang dami yata ng piniprepare niyang ulam. Inatasan niya ako ngayon na mag-prepare ng mga ingredients para sa lulutuin niyang beef steak.

Napatingin ako sa kanya. Ayos naman talagang kasama 'tong si Steven. Well, except don sa part na nang-aaway siya ng mga tao at pagiging suplado nito.

Nakwento niya pala sakin yung tungkol sa paguusap nila sa phone ni Kyle kanina. Yup, si Kyle yung kausap niya.


"Hindi ako mamamatay tao tulad ng iniisip mo. Hindi ko nga alam kung bakit yan pa ang pumasok sa isip mo. Hindi ko kayang pumatay, Mildred." seryoso niyang saad habang tinititigan ako.

Hindi kasi mawala sa isip ko yung mga narinig ko kanina. Nakaka-paranoid naman kasi tumira dito. Kahit naman medyo feel at home ako dito ay hindi pa rin ganoon ka at-ease itong puso ko sa tuwing naaalala ko kung ano ba talaga sila kuya at mga kaibigan niya.

"Eh kasi.." Biglang naputol lahat ng dapat kong sabihin. Eh kasi ano Mildred?

"Look, about dun sa narinig mo kanina." tumigil ito sa pagsasalita at saka tumawa. "I'm planning to cook, okay?"  

Nakaputing fitted shirt ito ngayon at naka-shorts. Okay na sana kung hindi niya lang sana pinatungan ito ng apron. Oo. Tulad din ni Kyle ay maganda rin ang hubog ng katawan nito. Kahit hindi ko pa nakikita ng aktwal ay feeling ko ay tama ang hula ko. Kaso naharangan na kasi ng apron. Hindi ko na tuloy gaano ma-appreciate.

Namula ako sa naisip ko. Ang dumi!

Nabaling ulit ang atensyon ko sa tanong ko sa kanya kanina. "So hindi mo ako papatayin?" parang bata na sinabi ko dito.

"Nope. Gusto ko kasing ipagluto si Luke." 

Napatingin ako sa kanya. 

"Sino si Luke?"

"He's my friend. Hindi pa ba nasabi sa'yo ni Kyle na lima kaming nakatira dito sa bahay ni Jared?" tumigil ito saglit para hugasan ang karne. "Well, I think he got dumped by his girlfriend..Pampalubag loob."

Na-amaze ako. Baka nga hindi naman lahat ng gangster ay masama ang ugali. Pero hindi pa 'ko pwedeng makampante agad sa mga sinasabi niya ngayon. Kailangan ko pa ring makasigurado na totoo ang pinapakita niya sa'kin.

"Pakuha ng phone sa bulsa."

Tumigil ito sa harap ko at pumwesto sa harap ko. Magkaharap nanaman kami ngayon pero 'di tulad kanina ay mas maluwag na ang distansya naming dalawa. At bakit parang disappointed pa 'ko?

Tinignan ko ito. Bakit ako pa ang kukuha kung pwede na siya naman? "Look, my hands are dirty. Kailangan kong makita ang recipe na tinext ni Kyle sa'kin."

Nabasa naman niya agad ang nasa isip ko. Hay ano ba 'to. Mamaya kung ano pa ang makapa ko dyan.

"Mildred."

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon