**
ZEKE'S POV
Nandito na 'ko ngayon sa kwarto ko kung saan kinukulit ako ng Silver na 'to.
"Bakit ba hindi mo sinasabi samin na nagka-girlfriend kana pala?" sabi nito habang nakaupo sa kama ko. Tsk.
"You're not asking.." totoo naman. Hindi sila nagtatanong. Hindi ko rin ugaling mag-kwento randomly ng mga bagay sa personal kong buhay.
"Akala ko ba magkakaibigan tayo dito. No secrets 'di ba?" sabi nya while pouting. Pa-cute ampota.
"Saan mo ba kasi narinig yang balita na yan ha?" tanong ko. Ang chismoso talaga kahit kailan.
"Narinig ko kayong nag-usap ni Kyle kanina." tumayo ito at saka kinuha yung Pringles sa ibabaw ng desk ko. "Dude. Ang daya talaga. Ba't alam ni Kyle yung tungkol don?" pagtatampo nito.
"Chismoso." kinuha ko ang shirt ko sa ibabaw ng kama at saka nagpalit.
"Eh bakit ba? Walang basagan ng trip."
"Tss. Napaka-moody mo. Dyan kana nga." sabi nito bago lumabas ng pinto.
Tss. Minsan, nagtataka ako kung paano ko ba naging kaibigan yun. Ang ayoko kasi talaga sa lahat ay yung pinag-uusapan ang buhay ko. Masyadong madrama, pwede ng pang-teleserye. Hindi ko alam kung typical na buhay ba yun pero...Ewan.
Sa ngayon, broken hearted pa ako. Oo. May kapasidad naman akong magmahal kahit na ganito ako. Kahit na maraming babae ang dumaan sa buhay ko, meron talagang nagpapatibok ng puso ko. Pero shit, wala na siya.
Hindi siya patay. Wala siya. Wala lang siya sa buhay ko.
MILDRED'S POV
Umaga nanaman.
Ang bilis ng oras. Literal. Tinatamad akong pumasok. Wala naman akong kasama don. Maghahanap pa ako ng magiging kaibigan ko for the rest of the sem.
Ito ang mahirap pag lumilipat ng school eh. Ang hirap mag adjust lalo na kung sobrang na-attach kana sa mga nakasanayan mong gawain before.
*knock knock*
Napatayo ako sa kama ko at hinook ang bra ko. Hay. Gone are the days when I can wiggle my breast friends ng hindi ako nac-conscious.
"Pasok." sabi ko.
"Um, Mildred right?" Tumango ako. "Kain na raw ng breakfast."
"Alright. Sunod na lang ako." Pagka-alis nung lalaki, inayos ko na ang itsura ko kahit na sobrang tinatamad pa ako at saka nagstretching ng konti. Medyo marami palang lalaki ang nakatira dito.
Si Kyle at si kuya palang ang kilala ko.
Bumaba na ako at nakita sila kuya na nakaupo na sa dining area.
"Good morning sa inyo~" bati ko sa kanila with full of enthusiasm. Tinignan lang nila ako.
"Morning. Dito ka oh." sabi ni Kyle at hinigit ang upuan sa tabi niya.
"Alright." sabi ko naman at saka dumiretso sa tabi niya.
Buti pa 'tong si Kyle. Medyo mabait? Apat kami ngayon sa lamesa. Katabi ko si Kyle. Sa tapat naman namin si Kuya at yung lalaking pumasok sa kwarto ko kanina.
"Hi Mildred. I'm Silver." Ayun. Silver pala yung name niya.
"Hi."
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong sakin ni kuya. Ang aga naman mamuna nito. Wala man lang hi? Hello? Good morning?
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)