17.1

14.4K 208 39
                                    

-

Bakit ba bigla bigla na lang sumusulpot ang lalaking 'to? Para syang mushroom. Except sa fact na matangkad sya.


"Anong ginagawa mo dito?"  I asked. Na para bang hindi sya allowed na pumunta sa lugar na 'to. 


"Masama bang pumunta dito sa Tagaytay?"  Well. Hindi naman. Kaso ayokong makita ka. 


"Okay. Tara na guys. Gutom na ko." Paalis na sana kami ng biglang hawakan nya ang mga kamay ko. "Ano ba?!"


Lumapit ito sa'kin at saka bumulong. "Aagawin kita sa kanya."  Pagkatapos nya yun sabihin saken ay binitawan na nya ang mga kamay ko at saka naglakad palayo.


"Anong sinabi sayo ni Stephen?"  Ugh. That guy. 


"Ah? W-wala yun." Hindi naman sa ayokong sabihin sa kanila. Pero parang hindi naman na yun big deal sa akin. At saka papaagaw pa ba ako kung may Steven na ako?


"Wala daw." bulong ni Hana pero narinig ko naman.


IRIS' POV 

"Yes dad......Tuloy po ang wedding.......Okay po.....Bye...." 


You read it right. Tuloy ang kasal. Bahala na kung ano ang mangyari. Planado na ang lahat. Tsk tsk. Sana umubra ang plano ko.


"Ano ba ang pumasok dyan sa kokote mo at naisip mo ang bagay na yan?"  napaka-daldal talaga ng lalaking 'to. Akala mo kung sinong nakalunok ng mikropono.


"Alam mo ikaw, ang rami rami mong tanong." Hindi ko na mabilang kung ilang irap na rin ang naibigay ko sa kanya simula kanina.


"Sabihin mo lang kung tutulungan pa kita o hindi." Ugh. The nerve of this guy.


"Sabi ko nga." Umirap nanaman ako for the nth time. Kinuha ko ang coffee ko at saka ito ininom. I need to think. Kailangan makaisip ako ng plans para hindi mapurnada ang plano ko.


".....pasalamat ka, mahal kita."  

"Binubulong bulong mo dyan?" Ang dami talagang alam nitong lalaking 'to. Ugh. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi ko siya papapuntahin dito.


"Wala. Ge. Alis na ko. Pasabi pala kay Hana, umuwi na sya sa bahay." at ginawa pa akong utusan ng lalaking 'to. Excuse me?


"Hey L.A.!" tawag ko sa kanya. 


"Ano nanaman? "  Wala siyang karapatan na tarayan ako.


"Wala. Ingat."  Tinignan lang nya ko at naglakad na muli palayo. Tsk. Nasaan na kaya si Yssa?

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon