2

35.6K 538 31
                                    


Lord sorry po sa  mga kasalanan na nagawa ko po. Lord wag nyo po ko kunin ng maaga ngayon. Lord wag nyo po kong papabayaan na makuha ni -

"Hoy Mildred! Ano ba!" Ayan. Ayan nanaman sila sa pagpuputol ng mga litanya ko! My gad. Kailan ba kayo titigil?

"Girl! Bumaba kana dali! Ang kuya mo! Dali." niyugyog pa ako ni Yssa. Akala niya yata hindi ako aware sa narinig ko. Yung senses ko umaariba kapag nasa paligid lang si kuya.

"Oo na oo na..."

Agad agad naman akong bumaba sa impyerno, I mean sa living room kung nasaan ang aking pinakamamahal na kuya. Hindi mo dapat pag antayin ang mahal na hari. 

"B-bakit?" oo, alam kong obvious naman kung bakit niya ako tinatawag. Pero syempre, gusto ko pa rin marinig mula sa kanyang mga labi ang mga salitang ayaw kong marinig.

"Nasaan na mga gamit mo?" tanong ng kuya ko habang nakakunot ang noo. Literal! 

"Uh, di pa po kasi ako tapos mag-"

"FUCK! ang bagal mo naman kumilos!" padabog na sabi nya. Literal rin! Natahimik na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa. Alangan namang magalit din ako. E di mas lalo akong aayawan nito?

"Bahala kana dyan..bahala ka pumunta mag-isa sa bahay. Ge, alis na ko." sabi nito sabay labas ng pintuan ng bahay namin. 

"Pero ku-" 

*BLAG!* oo dyan nga sya magaling. Magw-walk out na nga lang, magdadabog pa. Kawawang wood. Oo, nakaka-awa yung kahoy. Kung bakit ba naman kasi yun pa ang napagtripan niya. 'To talagang pinaglihi sa regla na 'to!

"Lagot ka gurl. Nagalit si Zeke!"  Oo. Zeke ang pangalan ni kuya. Ang gwapo ng name 'no? Pero pwede ring Jared. Mamili ka kung ano trip mo.

"You're not helping."

"Haaay nako gurl, tara na nga muna!" sabi nito with full of enthusiasm. Oo, wala naman kasi syang paki sa feelings ko.

"Saan?" nakakapanlumo yung mga nangyayari ngayong araw.

"Ay nasigawan ka lang ng kuya mo nagka-amnesia kana agad?" Oo. Bakla 'tong si Yssa. Chos. Straight na gurlash yan. Pero minsan naguguluhan rin ako e.

*PAK!* Oo. Malutong na PAK! Isang malutong na saPAK ang iginawad ko sa kanya.

"Aray naman!" reklamo nito.

"You're not REALLY helping nga e. Saan ba ulit tayo pupunta?" tanong ko dito. Kasi pwede namang sagutin ng maayos hindi ba?

"Sa mall. Nandun sila Kim ngayon." sabi niya na may sobrang bright na aura na pumapaligid sa kanya. Kung napupunit lang ang pisngi, malamang punit na ang cheeks nito.

"Kita mo na ngang galit na galit na sakin si kuya tapos magma-mall pa ta-"

"Triple Size Ice Cream."

"Tara!" Mga girls, madali naman akong kausap. Sus, sinong kuya yan? Bahala na po ulit si Batman. Magma-mall muna ako para naman kahit papaano eh makalimutan ko yung pagsigaw sakin ni kuya. It hurts kasi ng very light.

-*-

After kong magbihis at magpalit ng pang-alis, bumaba na kami ni Panget para pumunta sa may car park. Naka-simpleng pants at shirt lang ako. Yung iba ko kasing gamit ay nai-impake ko na.

"Manong, tara po!" sabi ko kay manong pagkapasok ng sasakyan.

"Saan iha?"

"Sa mall po." At ayun na nga. Umalis na kami ni Yssa at dumiretso na sa SM North. Medyo malayo ito sa amin kaya natagalan din kami bago nakarating dito. Pero oks lang

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon