9

20.7K 296 32
                                    

**

STEVEN'S POV

"Tuloy pa ba tayo?" tanong ni Kyle habang naglalaro ng PSP niya. 

"Oo." sagot ko dito. Hindi pwedeng hindi 'to matuloy. I've been waiting for this moment to happen. I can't miss this.

Nasa sala kami ngayon ng bahay at nagtipon. 

Hinintay muna naming umakyat si Mildred kanina. It's too risky when she finds out where we're going. 

"Paano yan? May pasok bukas." sagot nito. 

"Then, maiwan ka dito." sagot ko. Napag-planuhan na tapos saka siya uurong? 

Nagsalin ako ng Bacardi sa baso ko at saka ito nilagok. 

"Ayoko maiwan." sabi naman ni Kyle. Sinamaan ko ito ng tingin. "Nandun na ba si Zeke?" tanong nito habang inaayos ang buhok niya. Tss.

"Oo. Nauna na." bored kong sagot. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko at ang t-shirt na suot ko. Hindi naman kailangan masyadong pumorma. "Tara na?" pag-aaya ko sa kanila.

Alas nueve na. Paalis na sana kami kanina kaso biglang nag last minute na nagpalit si Kyle. 

"Kahit kailan talaga, ang bagal kumilos ni Kyle." pagrereklamo ni Luke. Well, we can't blame him. Parang babae kung kumilos. Masyadong vain.

"Hindi ka pa nasanay." sagot ko dito. 

Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos magbihis ni Kyle. Wala rin namang nagbago sa ayos niya bukod sa ibang t-shirt na suot niya. What took him so long?

"Ano pre? Handa kana?" tanong ni Luke.

"Yup." sagot ni Kyle. Kinuha nito ang PSP niya at inilagay sa drawer malapit sa sala. 

"Sino ba yung naghamon sa'tin?" tanong ni Luke. It's been a long time..

"Yung --" sasagot pa sana ako ng biglang magyaya na si Kyle na umalis. 

Kinuha ko ang susi ng sasakyan na nakasabit sa garage. Ginawa nanaman akong driver ng dalawang 'to.

"Oy, nasaan si Silver?" tanong ni Luke habang inaayos ang seatbelt nya.

"Hindi ako tanungan ng mga nawawala. Magkasama tayo di ba?" 

"Meron ka ngayon?" pangaasar ni Kyle. Binato ko ito ng bote ng tubig. 

"Fuck you." sambit ko dito. 

Ini-start ko na ang sasakyan at saka nag-drive. Kating kati na 'ko na magkita kami. Ilang buwan o taon na ba ang lumipas?


MILDRED'S POV

Hindi ako makatulog. Anong oras na ba? 

Chineck ko ang orasan sa bedside table. Nine thirty pa lang. Ang aga pa. I mean, medyo maaga pa sa lagay na 'to. Nag-toothbrush naman ako kanina so bakit hindi pa rin ako makatulog?

Ano bang pwedeng gawin? Wala naman kamig schoolworks na kailangan gawin at tapusin.

Naisip kong kumain pero naalala kong kaka-toothbrush ko lang. Besides, wala rin namang makakain sa baba. Hindi pa nakakapag-grocery sila kuya and wala namang katulong dito para mautusan. 

Right. Ako na lang siguro ang mamimili.

Kung manonood naman ako ng movie ay hindi ko rin naman alam ang magandang palabas ngayon. Hindi kasi ako masyadong fan ng mga movies unless sobrang interesting niya for me and kung may kasama lang ako.

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon