17

14.9K 205 26
                                    


MILDRED'S POV

"Nakaka-asar! Bakit kasi kailangan na si Luke pa yung agawin nya?"


"Chill Yssa. Arranged marriage lang yun di ba? Baka hindi din naman talaga nila alam ang tungkol dito." sabi ko.


WORLD WAR. Yan ang nagaganap ngayon. Nadatnan ko kanina na nag-aaway sila Yssa at Iris. 


Hindi ko na sila tinanong kung ano yung pinag-aawayan nila kase alam ko naman na tungkol yon sa marriage nila Luke. Ang gulo ng mundo ngayon. Hindi na aketch ang bida sa story na 'to. 


"Shit!" napamura sila. Pero ako napamahal. He he


Padabog itong tumayo at saka umalis. "Teka Yssa san ka pupun-"


"Nako. Hayaan nyo na yun." kalmadong sabi ko. Kasi knowing Yssa, alam kong hindi magpapapigil yon. Mas mabuting mapag isa muna siya. Alam kong kailangan niya rin ng oras.


"Baka mawala pa yun dito." -saad ni Kim. Ano siya, bata? Mawawala? Minsan talaga hindi ko sure kung anong genre ng storya na 'to.


"Baka makidnap ni Kokey." -sambit naman ni Hana habang may nginunguya nanamang pagkain galing sa ref.


"Ma-abduct ng aliens?!" -na dinagdagan ni Kim.


"or worse!" -sabay nilang sabi. BAKA.......Baka humanap sya ng replacement kay Luke at ang ipinalit nya ay si..." napasinghap pa ang dalawa.


"Berting na may limang asawa dun sa kanto!" -sigaw ni Hana. Nabitawan niya pa ang kutsara na hawak niya.


"Ay? Over lang?" -saad ni Kim. Balik na ito sa pagiging mataray niya.


"Hindi naman siguro ganun yung si Yssa." sabi ko na lang. Hindi naman mawawala yun. Kilala ko si Yssa. She needs more time.


Nadako naman ang aming tingin kay Iris.


"O? Saan ka pupunta ?" -tanong ni Hana sa kanya. Hindi ko pa rin sure kung paano nami-maintain ni Hana ang ganyang figure gayong kain sya ng kain.


"Eh 'di sa papa ko?" mataray na sabi nito. Pero kakaiba ang taray nito ngayon. Parang pagtataray na pilit. 


"Ha?" naguguluhang tanong ni Kim at ni Hana.


She tried to laugh pero halata namang fake lang yun. "I'll try to fix these things. Ayoko namang ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng relationship nila." Bumuntong hininga muna ito bago umalis.



Napanganga kaming lahat sa sinabi ni Iris. Knowing Iris..hindi naman kasi sya yung tipo ng tao na mahilig mag-ayos ng mga problema or kung ano pa man. 

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon