Author's Note: Sorry kung papalit palit ng POV. Wala tayong magagawa. Yan talaga ang nasa draft ni Author eh :( Sige yun lang. :) Woo! Salamat pala sa pagsuporta ng story ko. Cyber Hug! >:D< (tama ba?)
-
SILVER'S POV
Wow. Coincidence ba ang lahat? Kaya pala parang namumukhaan ko yung si Stephen na yon nung hinatid ko dati sa bahay si Mildred. Ano bang meron sa kanila?
4:30 na. Labasan na nila.
"Oh bro saan ka pupunta?" tanong ni Luke habang iniaayos ang suot nito.
"Ah. Susunduin ko yung kapatid ko." sagot ko. At oo, may kapatid ako.
"Ah sige." saogt nito.
Kaasar. Bakit kasi hindi pa yon marunong mag-commute? Nakakaistorbo kaya. Meron din naman akong social life no.
HANA'S POV
"Ano ba naman yan Hana, hanggang ngayon eh hindi mo pa rin makuha yung steps ng sayaw natin." sigaw nung nagtuturo sa'min ng sayaw.
"Sorry po.'" sagot ko na lang. Ano pa bang magagawa ko. Hindi naman ito ang forte ko?
"Osige. From the start!" sabi ng nagtuturo at pinatugtog ulit ang sasayawin namin.
Feeling ko talaga, ang laki kong disappointment sa grupo na 'to. Gusto ko ng makalipat sa school nila Mildred. Ang tagal naman maayos ng papeles para sa pag-transfer ko ng school. Ayoko na dito. Project agad ang bubungad sayo.
"Uy. Okay ka lang?" tanong ng kaibigan kong si April.
"Okay lang." sagot ko. Pero hindi naman talaga. I'm still alive but I'm barely breathing!
By the way, siya si April. Ang naging kaibigan ko sa school na 'to. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan dito. Ganun din siya. Ang aarte kasi ng mga tao dito. Gusto laging perfect yung ginagawa nila. Haaay. Ang hirap kaya.
Nagpapractice pala kami ng sayaw para sa project namin sa Music. Title ng sasayawin namin?Secret.
"Hoy ano ba?! Kayong dalawa dyan sa likod. Maki-cooperate naman kayo!" sigaw nito. Kung kaya naman napa-ayos kami. "Wala na nga kayong naitutulong dito tapos ganyan pa kayo!" aray ko bh3.
"Opo" sagot naming dalawa. Ang saklap naman ng buhay namin dito.
"Hmp. Maaarte!" pagrereklamo ni April. Oo. Tama ka dyan April.
"Mga hipon." bulong ko.
"Tsk tsk. Buti pa tayo, hindi." sabi naman nito at ngumiti. Buti na lang at medyo nakakahawa ang pagiging positibo nito sa buhay.
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)