Guys. Basa basa din ng author's note minsan ha? :x Sinabi ko sa previous chapter na hindi ako magu-update hangga't walang 50+ comments di ba? Hahahayyy :) Penge uli ng 50 comments hihi
May magpapa-dedic ba? Comment na lang po. Sorry sa typos! And kung may mabasa man kayong unfamiliar terms...correct me if i'm wrong. Google lang yan huhu
Silent Readers....labas naman oh. Huhubels.
-
STEVEN'S POV
"Ste.....ven" iyan ang huling salita na lumabas sa bibig ni Mildred.
Agad ko itong nilapitan. Dugo.......ang daming dugo.
"Mildred!"
Nakapikit ito. Wala siyang malay....
"Mildred!"
Nakita kong tumakbo papunta sa pwesto ko si Zeke. May kasama itong mga naka-unipormeng puti. May dala dala silang stretcher.
Nang makalapit na sila sa amin, binuhat nila si Mildred sa stretcher.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Putangina! Bakit ganon? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?!
Nakatitig lang ako sa katawan ni Mildred na nakalagay sa stretcher. Gusto ko itong lapitan pero napako na yata ang mga paa ko dito.
Ang mga luhang kanina pang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko ay tuluyan ng pumatak. Napatakip ako ng mukha ko. Putangina!!
Nakita kong dinampot na ng mga pulis ang taong may kagagawan ng lahat ng ito.
"TANGINA MONG HAYOP KA!!!"
Hindi na ako nakapag-pigil. Sinugod ko ito at saka pinagsusuntok kahit na hawak na ito ng mga pulis. Wala akong paki-alam kung mamatay na siya ngayon sa suntok ko. Tangina niya.Sana nga mamatay na siya!
Tinignan lang ako nito.
Nilapitan ako ng ibang pulis at saka inilayo sa kanya.
Nagsidatingan naman ang tropa. Nakita kong tumakbo papalapit samin sila Luke, Kyle, at Silver.
"Sht! Asan na yung gago mong kapatid ha?!" singhal ni Kyle.
May dumaan na isa pang stretcher sa harap namin. Si Stephen.
Duguan din ito at walang malay.
Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong magwala. Tangina ang sakit.
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)