KIM'S POV
Ta-Da! Gulat kayo no? Akala nyo si Mildred ang magp-POV ngayon? Psh. It's my time to shine! Chot. Wala po si Mildred ngayon. Nakikipaglandian dun kay Steven.
Nasa Tagaytay kasi kami ngayon. You know. MALAMIG. And when its malamig, Kailangan ng INIT.
Wag kayong GREEN dyan ah? Tampalin ko kayo ng stapler.
"Kim." narinig kong tawag sa akin ni Kyle.
"Ano?" nilingon ko ito at saka sinimangutan. What's good in Tagaytay? Wala na. Nakita na kasi kita Kyle.
"Sorry." sabi nito ng nakatungo. At ang hampaslupang 'to! Nasa sahig ba ang kausap niya? Ugh.
Ayoko na. Sawang sawa na ko sa sorry mo. Oo alam kong kasalanan ko pero ma-pride akong tao. Pride na lang ang meron ako at saka virginity ko. Isusuko ko pa ba?
"Layuan mo na nga ko Kyle. Narinig mo naman di ba? Ayaw sakin ng ate mo. Dun kana lang sa kapatid ko. Di ba sya naman yung gusto mo? Dare lang yung nangyare sa'tin dati. DARE LANG." pero sana naging totoo. Pero ayoko ng umasa. Lalo pa't hindi naman ako ang gusto mo.
"Ano bang problema Kim? Ano bang paki ni ate? Kapatid ko lang SYA pero ikaw ang gusto ko.Ikaw ang mahal ko!" sigaw nito. Dinalaw ng kakaibang kilig ang katawan ko. Pero hindi ako magpapatinag sa nararamdaman ko.
"Gusto? Mahal? Kyle, magkaiba ang infatuation sa love."
"Bakit ba ayaw mong maniwala sakin Kim? Ano bang dapat kong gawin para malaman mong gusto kita?!" seryoso ang mga mata nito. Andoon ang sincerity. Pero leche, yung pride ko!
"Ang bilis. Ganun ba yun? Aish! Hindi ko maintindihan." Naguguluhan ako sa feelings ko. Kasi ang bilis ng pangyayari and hello! Pwede bang mahulog agad agad?
"Hindi mo kasi iniintindi eh. Yan ang hirap sayo. Sarili mo lang ang gusto mong paniwalaan!"
"CUT!!!!!!!!!!!" Leche. Achieve na achieve ko na yung acting. Pati yung emosyon. Nakakainis. Sana si Kyle na talaga 'tong nasa harapan ko ng masampal ko siya for letting me feel this way.
"Ang pangit! Hindi bagay Kim. Nasaan na ba si Mildred? Sya ang magaling dito." -sabi ni Yssa. At anong sabi niya? Pangit? E mas pangit pa sya kaysa sa akin.
"Ewan. Naglalandian sila."
Kaasar. Hindi pa ba okay yun?
Ayoko ng ganito. Ayoko na ng may iniiwasan. ANG GULO NG MUNDO.
"Kim?"
MILDRED'S POV
BINABASA MO ANG
Living With Five Gangsters - Completed (Editing)
HumorAnong gagawin mo kung nalaman mo na titira ka pala sa isang bahay na puro gangster ang iyong kasama? Will you stay or not? :)