Special Chapter
Napahilot ako sa sentido sa daming papeles na pipirmahan.
"Hey beshie," bungad sa 'kin ni Marydale may dalang paper bag. Napailing na lang ako dahil mukhang pagkain na naman ang laman no'n.
Nilapag niya ang paper bag sa lamesa at napag-alaman na ice cream 'yon. Napangiti na lang ako.
"Wala talagang palya. Kahit nasa malayo dinadalhan ka. Ang tiyaga!" natatawang sambit ni Marydale.
"Bakit ikaw kumuha 'yan?" tanong ko.
"Kinuha ko na sa tagapagsilbi, baka pwedeng makihati." Sabay taas-baba ng kilay niya at paglawak ng ngisi sa labi.
"Bawal." Kinuha ko ang paper bag at nilagay sa lap ko. Saka muling pinirmahan ang mga natirang papeles.
"Damot ng Empress namin. Hays! Sige, solohin mo na 'yan at may pupuntahan pa ko." Natatawang umalis si Marydale sa library.
Natatawa na lang akong napailing. Nagawi ang tingin ko sa kapirasong papel na nakalagay sa may paper bag. Kinuha ko ito na lalong nagpalapad ng ngiti sa aking labi.
Don't stress yourself out. I miss you...
---
Napainat ako nang matapos lahat nang gawain sa palasyo. Dumiretso na ako sa aking silid upang magpahinga. Matapos magpalit ng kasuotan hindi ko maiwasang silipin ang malawak na lupain ng Marren. Lumabas ako patungong balcony at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin. Bukod sa buwan at mga bituin sa langit ay kay ganda ring pagmasdan ang iba't ibang ilaw na nagmimistulang bituin sa ibaba.
Sumampa ako at umupo sa balustrade, hindi alintana ang taas kung mahulog man ako rito. Ito talaga ang kagandahan 'pag gabi. Napakatahimik at payapa.
Napabaling na lang ako nang may tumabi sa 'kin. Parang walang takot sa heights.
Napataas ang kilay ko. "Akala ko nasa Garon pa kayo ni Dad?"
"Tinapos na namin ang misyon do'n," sagot ni Clyde.
Napagpulungan kasi namin na mas makakatulong kung maging maayos din ang Garon. Ilang taon na rin kasi ang lumipas at walang maayos na pamamahala ang kaharian na 'yon. Kaya naisip namin ay kaming mga taga-kanlurang bahagi na ang mamahala ro'n.
Napataas ang sulok ng labi ko. "Ang bilis ah."
"Wala e, na-miss kita."
"Baliw!" Napatawa na lang siya. "Dapat nagpahinga ka muna, matagal din ang binyahe n'yo." Akmang aalis na ako sa balustrade para kumuha ng pagkain nang hawakan niya ang pulsuhan ko.
"Pwede bang dito muna tayo?"
"Pero-" Napatigil ako nang sumandal siya sa balikat ko na parang naghahanap ng aruga.
"I need some rest like this."
Napabuga na lang ako ng hangin. "Pinahirapan ka na naman ba ni Dad?"
"I'm used to it." Tipid siyang ngumiti.
Matapos no'n ay tumagal ang ilang minuto na wala nang nagsalita pa sa amin. Marahil ninanamnam ang ganda ng ambiance. Hanggang sa kinuha niya ang kamay ko at marahang pinaglaruan ang aking mga daliri.
"Bakit..." saad ni Clyde. "Bakit nang sinabi ko 'wag ka nang maghintay. Naghintay ka pa rin? Hindi ka man lang ba naghanap ng iba?"
"Clyde..."
"Kasi ako hindi... Hindi ko kayang magmahal ng iba. Ikaw pa rin, Avianna. Kahit pinagtabuyan kita, umaasa pa rin ako na hihintayin mo ko." Natawa siya bahagya. "I'm such a mess," may halong lungkot sa boses niya.
Napakunot-noo ako. Bakit ganito magsalita si Clyde? Hindi ko maiwasang mangamba.
"Nang araw na umalis ka sa Astria. Gusto kitang habulin. Gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko. Gusto ko sa tabi lang kita. Gusto ko ikaw ang kasama ko." Napatigil siya sa paglalaro ng aking daliri at ramdam ko ang malalim niyang pagbuga ng hangin.
"Pero ayokong makita ulit ang mata mo na nahihirapan dahil sa'kin. Kaya pinangako ko sa sarili ko na sa oras na makikita mo ko. Hindi mo na sisihin ang sarili mo..."
"Nakuntento na lang ako pagpunta-parito sa Marren." Bahagya siyang huminto at halos manlaki ang mata ko nang ma-realize ang sinabi niya. Pumupunta siya sa Marren mula sa Astria noon? Clyde...
"Sa tuwing makikita kita ay ipinipinta kita." Naramdaman ko ang mariing paghawak niya sa kamay ko. "Pero ang sakit pala na makitang nakangiti ka sa iba. Nakangiti ka sa kanya. Nagseselos ako, Avianna. Dahil gusto ko ako 'yon. Ako dapat ang gumagawa no'n." Hindi ko makuhang magsalita, tanging malalim lang na paghinga ang aking nagagawa.
"Simula't bata ikaw nagturo sa 'kin na kahit ganito ako, may magmamahal pa rin sa 'kin. Kaso, hindi mo ko maalala kaya gumawa ako ng paraan para maalala mo, kahit sana pangalan ko lang."
Napalunok ako. Pero manhid ako at hindi ko siya agad nakilala. Na siya pala ang kababata ko.
"Pero nang tawagin mo ko ulit sa dati kong pangalan. Ang saya ko... Sobrang saya ko. Para akong bata na gusto kang yakapin at ayaw pang pakawalan pa."
Bahagya ngumiti si Clyde.
"Even I'm a failure, even I'm far from perfect, you didn't get tired."
"Clyde," tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin kaya tuluyan kong napagmasdan ang mukha niya.
Marahang hinawakan ko ang pisngi niya at tumungo sa eye patch niya. Unti-unti ko itong inalis at hinayaan liparin ng hangin.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Tila nahihiya na makita ko ang pagkabulag ng isang mata niya. Hinaplos ko ang kanang mata niya.
"You're not a failure, Clyde." Dito dahan-dahan siyang tumingin sa akin at nagkasalubong ang mga mata namin. Nakangiting pinagmasdan ko ang kulay abong mata niya. Walang halong awa kundi pagkamangha sa taong nasa harapan ko ngayon.
Nilapit ko ang mukha ko at mabilis na dinampian siya ng halik sa labi.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero napakunot-noo ako nang may binubulong siya na hindi ko naman maintindihan.
"H-Ha?" takang tanong ko.
Lumiit muli ang distansya ng mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako nang lumapat naman ang mainit niyang palad sa aking likuran dahilan para mapatigil ako.
"I want more, Avianna," bulong niya.
Hindi na 'ko tuluyang nakapagsalita nang sakupin niya ang labi ko. Humaplos ang kamay niya sa pisngi ko na tuluyang nagpapikit sa mga mata ko at may emosyong gumanti sa halik niya. Banayad niyang hinagkan ang mga labi ko. Maingat pero may pananabik. Patuloy kaming nagpapalitan ng halik nang mas lalong lumalim ang halik niya.
Hanggang sa dumampi ang labi niya sa leeg ko na tuluyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tumagal ang dampi niya roon at para akong binigyan ng panibagong halik. Marahang napahawak ako sa kanyang buhok na patuloy humahalik sa aking leeg. Bumaba ang halik niya sa aking balikat na hindi ko na namalayang kung paanong lumaylay ang manggas ng aking damit.
Makapigil-hininga ang nararamdaman ko nang muling dumampi ang labi niya sa labi ko. Hanggang sa pinaghiwalay niya ang mga ito at pinagdikit ang mga noo namin. Parehas kaming naghahabol ng hininga. At saka isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
"I love you, my wife."
________◇◇◇________
Author's Note: Na-miss ko kayo. Hahaha. Pasensya na sa paghihintay at 'yan lang ang nakayanan. Thank you guys! Love ya!
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...