Chapter 46: Teamwork

7K 399 106
                                    

Chapter 46: Teamwork

Inilihis niya ang espada kaya mabilis akong tumalon palayo sa kanya. Sumugod ito sa akin at iniharang ang espada ko. Nagngitngit ang aking mga ngipin. Kumpara sa mga nakakalaban ko, mas malakas itong si Ivor.

Sinipa ko siya kaya nawalan siya ng balanse. Ididiretso ko na ang espada sa kanya nang agad itong tumalon mula sa pagkakaupo at tumira sa akin.

Napalayo ako at napahawak sa kanang braso ko na nasugatan niya. Hindi niya talaga hahayaan na matalo siya.

Hindi ko ininda ang natamo kong sugat at hinawakan nang mahigpit ang espada gamit ang dalawa kong kamay at tinutok sa kanya. Tumakbo ako patungo sa pwesto niya na nakahanda ang kanyang espada upang salagin ito nang hindi niya inaasahan na yumuko ako at hiniwa siya.

Naipantukod nito ang kanyang espada upang hindi tuluyan bumagsak. Humarap siya sa akin at tinapunan ako nang matalim na tingin.

Itinaas niya bahagya ang espada upang sugurin ako kaya hinanda ko naman ang aking sarili para muling sumugod.

Parehas na kaming pasugod nang mapatigil kami dahil sa narinig naming boses. "Tapos na ang laban!" masayang sambit ng nasa screen.

"Tsk," sabay naming sabi ni Ivor.

Naiinis na ibinalik ko ang espada sa lalagyan na nasa baywang ko at ibinaling ang tingin sa malaking screen kung saan makikita si Noel na test coordinator ng first phase na 'to.

"Meron na lang 30 na natitirang kalahok. Congratulations! You've passed in this first phase." Inayos ni Noel ang kanyang salamin at matamis na ngumiti.

"For the second phase, you need to build a team consists of three members. Ang phase na 'to ay para malaman kung kaya n'yo ba makipag-cooperate sa isa't isa. Teamwork ang isa sa katangian na kailangan para maging emperor o empress." Tumingin ito sa kanyang relos at muling ngumiti.

"Your time starts now!"

Nawala na si Noel sa screen kasunod nang pagkaroon naman ng numero na 20 at saka nagsimula itong magbago sa 19.

Sh*t! Ibig sabihin kailangan kong makahanap ng kasama sa loob na dalawampung segundo.

Napatingin ako kay Ivor na nakatingin sa screen. Mukhang malabo siya ang makasama ko. Wala akong balak na makipaggrupo sa kanya.

Maghahanap na sana ako ng kasama nang may narinig akong humikab. Nagawi ang tingin ko sa unahan nang gumalaw ang ilang damo roon. Tumayo ito na nag-inat pa na parang galing sa pagkakatulog.

"Hoy, pandak!" tawag ni Ivor kay Ethan.

Kumunot ang noo ko. Magkakilala sila?

Inalis ni Ethan ang kanyang salamin at pinunasan pa ito ng kanyang panyo saka muling sinuot. "O, ikaw pala bingi," walang ganang sabi ni Ethan.

Base sa pag-uusap nila. Mukhang matagal na silang magkakilala.

Napatitig na lang ako sa dalawa na parang may namumuong kidlat sa pagitan ng kanilang mga mata. Nilabas ni Ivor ang kanyang espada habang si Ethan naman ay kumuha ng tirador mula sa kanyang messenger bag.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon