Chapter 32: Festival

7.4K 436 84
                                    

Chapter 32: Festival

Avianna's Point of View

Naguguluhan akong tumingin sa dalawa. Pero mas tumagal ang titig ko kay Dustin—kusa kong inalis ang kamay sa kanya. Halata sa mata nito ang pagtataka.  

Sorry, Dustin. 

Gusto ko munang makaiwas sa tanong niya dahil miski ako'y naguguluhan. 

"M-May iuutos kasi sa 'kin si Clyde. Pasensya na," paumanhin kong sabi habang hindi siya tinatapunan ng tingin. 

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Clyde at nagmamadaling hinatak ako.

Hindi ko alam ba't nagmamadali nang lakad ang lalaking 'to. 'Di bale sana kung mahaba rin ang biyas ko tulad niya. Naglalakad lamang siya samantala ako napapatakbo na.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

Hinuli nito ang titig ko na para bang inuusisa ang pagkatao ko.

"May gusto ka ba sa kanya?" seryosong tanong niya. 

"H-Ha?" 

Kumunot ang noo niya at malalim na bumuntong hininga. "Forget it." At muli niya kong hinatak. 

"Clyde, saan ba tayo pupunta?"

"We're going to the market." Hindi man lang niya ko nilingon at patuloy lang sa panghahatak sa akin. Nababaliw na naman siya.

"Alam mo ba nangyari sa'yo ro'n? Halos habulin ka ng mga babae mo."

Mahina siyang napatawa. "I love it when you get jealous."

"Hoy, mahal na prinsipe, hindi po ako nagse—" Napatigil ako sa pagsasalita nang tumigil siya sa paglalakad at may kinuha sa kanyang coat. Dalawang sumbrero—parehas itim. Ang isa ay may disenyong gintong linya, habang ang isa naman ay may palamuting rosas sa gilid. 

Sinuot niya ang isa at inalok sa 'kin ang may rosas na disenyo. 

"Para hindi tayo makilala at hindi ka na magselos." Pabalya kong kinuha ang sumbrero at ang mahal na prinspe ay malapad pang ngumisi. Kainis! 

Pagdating sa bayan, mapapansin na maraming tao ang nandito. Maraming mga booth at rides. Kaya ba dinala niya ako rito dahil may festival? Matamis akong napangiti. Feeling ko bumalik ako sa pagkabata. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa ganito.

Nagningning ang aking mata sa nakikita. Agad akong dumiretso sa rides na itsurang tigre. Actually, robot 'to at kokontrolin para gumalaw. 

Nakakamangha ang itsura nito—ang balahibo nito ay para bang kuha sa totoong tigre. Lalo rin bumilis ang kilos nito hindi tulad nang huli kong punta. Mas magiging exciting ang laro lalo na't paramihan nang makakakuha ng robot na daga. 

Nakakahanga talaga ang mga imbento ng Saffronians!

Hinatak ko si Clyde sa pilahan. Bakas pa ang pagkairita ng kanyang mukha pero hindi ko na siya pinansin. Na-miss ko talagang maglaro nito. 

Pagdating sa rides ay dali-dali akong sumakay sa tigre. Nagsimulang umilaw ang mga mata nito at agad ko itong kinontrol gamit ang dalawang hawakan. Bawat kuha ko sa daga ay dumideretso ito sa basket sa unahan. 

Nadako ang tingin ko kay Clyde at nakakunot-noo lang niyang pinagmamasdan ang paligid. 'Yung totoo, wala siyang balak maglaro? Nailing na lamang ako at kinontrol ang tigre papunta sa kanya. 

"Psst!" Napatingin sa akin si Clyde. "Ang kailangan mo lang gawin, kunin ang mga daga. HIndi titigan." 

Muli ay nakakita ako ng robot na daga at iniwan na siya. Pero namilog ang mga mata ko nang magkabungguan kami ng sasakyan ni Clyde, mukhang iisa pa ang target namin. Akala ko ba ayaw nitong maglaro? Tsk!

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon