Chapter 17: Poison

8.2K 464 45
                                    

Chapter 17: Poison

Nang magising ako ay inilibot ko ang aking paningin. Mapapansin ang kulay asul na dingding at ang napakalaking shelf na punong-puno ng libro. Mukhang nandito na ko sa aking silid, sa palasyo ng mga Zedler.

Anong nangyari? Dahan-dahan akong umupo nang mapansin na maraming nakadikit na aparato sa 'kin.

At do'n lang nag-sink-in sa 'kin na halos mamatay na ko sa kamay ni Ross. Bisto na 'ko. Alam niya na.

Nawala ang iniisip ko nang pumasok si Dustin.

"Celestine, gising ka na." Bakas sa mukha nito ang tuwa. Kaya may tinawagan siya sa labas mukhang mga doktor ito kasabay nang pagpasok ng mga Zedler.

Siya ba ang nagligtas sa 'kin? Pagkatapos niyang tumawag ay chineck ako ng doktor at kung ano-ano ang sinasabi. Kahit naririnig ko ang boses nito ay walang akong naiintindihan. Gulong-gulo pa rin ako sa nangyayari. Paano ako nakaligtas?

Pagkaalis ng doktor ay kinausap ako ni mom.

"May masakit pa ba sa'yo?" Umiling lamang ako.

"Ano po nangyari?" sabi ko sabay tingin sa tatlo.

"Dalawang araw ka nang walang malay. Nakita ka ni Prinsipe Clyde na nakahandusay kasama ni Ross sa palasyo," biglang sagot ni Dustin. Sugatan ka habang si Ross naman ay walang alam sa nangyari."

Teka, walang alam si Ross sa nangyari? Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit. Naguguluhan ako, paanong wala siyang alam samantala siya ang may kagagawan kung bakit ako nagkaganito.

"Hijo, mamaya mo na sa kanya ipaliwanag. Pagpahingahin muna natin siya," sabi ni Dad kasabay ng pagsang-ayon ni Dustin.

"Anak, maghahanda ako agad ng pagkain," masayang sabi naman ni Mom sabay tingin sa dalawa.

Sabay-sabay silang umalis at iniwan akong naguguluhan sa sinabi ni Dustin.

Pinilit kong umalis sa kinuupuan ko nang sumakit ang katawan ko.

"Don't move too much." Natuon ang tingin ko sa kapapasok lang. Si Clyde.

"Clyde, ano ang nangyari?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Magpahinga ka muna, Avianna."

Aangal pa sana ako ng inunahan niya 'ko.

"Sasagutin ko lahat ng tanong mo pero sa ngayon magpagaling ka muna." Umupo ito sa upuan malapit sa higaan ko at saka ko siya tinawag.

"Clyde..." Tumingin ito sa akin kaya nagtama ang mata namin.

"Hmm?"

Lumabi ako at iniwas ang tingin sa kanya. "S-Salamat pala."

Nagawi na lang ang tingin ko sa kamay niya na ipantukod niya sa kama at lumapit ang mukha nito sa akin. Nanlaki ang mata ko at halos hindi makakilos sa sobrang lapit nito. Nadako ang tingin niya sa noo ko at sinalat ito.

"Wala ka naman lagnat," asar na sabi niya.

"Pwede ba..." Inalis ko ang kamay niya sa noo ko nang hawakan niya ang pulsuhan ko at sumilay ang maganda nitong ngiti sa kanyang mukha.

"I just want to make sure you're okay."

Nang pumasok na si mom, lumayo ito sa akin at ngumisi.

---

Ilang araw na ang nakakalipas, tuluyan na 'kong gumaling. Nasabi na rin ni Clyde na natagpuan nito ako nang walang malay kasama si Ross. Sinabi ko rin ang lahat nang nangyari. Kaya hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kami kung bakit walang alam si Ross. Hindi namin alam kung nagpapanggap lang siya at may plano ito. Pero kung ano man 'yon ay kailangan namin maging handa.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon