Chapter 5: The Zedlers
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Ito ang rason kung bakit ayaw nila akong palabasin. Hindi ko pwede sabihin ang pangalan kong Avianna at magpakilala bilang Celestine. Pahigpit nang pahigpit ang hawak ng lalaki sa braso ko.
"Hindi ka pa rin magsasalita?" diin na sabi niya.
"Bitiwan mo siya," kalmadong ngunit may diin ang boses mula sa likuran ko. Gano'n na lamang panlalaki ng mata ko nang makita si Clyde. Hinatak nito ang braso ko mula sa lalaki at nilagay sa likod niya.
Mula sa pagkabigla ng lalaki ay mabilis nagbago ang ekspresyon nito at ngumisi sa amin. "Prinsipe Clyde, hindi mo naman nasabi na may slut ka pala pinapatira sa palasyo mo?" Lumapit pa ito sa amin at pinasadahan ako ng tingin. Nilabas niya ang kanyang dila para basain ang kanyang labi. "Masarap ba? Pwede mo bang ipatikim sa'kin?"
Hindi lang pala masama ang ugali nito. Walang hiya pa. Susugod na sana ako para suntukin siya pero naunahan ako ni Clyde. "Prinsipe Ross, baka nalilimutan mo na nasa palasyo kita." Wala man lang makikitang ekspresyon sa mukha niya.
Pero mas natuon ang aking atensyon sa sinabi ni Clyde na si Ross pala ang nasa harap namin. Kaya pala masama ang ugali.
Tumayo si Ross mula sa pagkabagsak na parang wala lang at pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
Sa ginawa ni Clyde ay mas nawala ang ngisi ni Ross. "Baka nakakalimutan mo rin na bawal magpapasok ng kung sino-sino sa palasyo mo?" balik na tanong ni Ross.
"Mukhang hindi mo kilala ang sinasabihan mo." Gumawi ang tingin ni Clyde sa'kin na para bang may pinupunto siya.
Napakunot ang noo namin parehas ni Ross. Anong ibig niyang sabihin?
"Bakit hindi mo puntahan ang hari?" Ngisi ni Clyde. Naguguluhan man ay nagmadaling umalis si Ross sa harapan namin.
Dumako ang tingin ni Clyde sa braso kong namumula dahil sa pagkahawak kanina ni Ross. Tumagal ng ilang segundo ang titig niya ro'n at saka umiwas ng tingin. "Follow me," malamig na sambit niya.
Sinundan ko siya hanggang sa mapunta kami sa harap ng pinto ng throne room. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang hari, si Ross, si Dustin at parang mag-asawa na 'di pamilyar ang mukha.
"So, what will you do next Prince Ross?" bungad ni Clyde.
"How can we be sure that girl is Princess Celestine?" tanong ni Ross habang turo-turo ako.
Umabante ang ginang na parang nasa edad kuwarenta patungo sa kanya. "We've conducted a blood test at tumutugma na isa siyang Zedler."
"Duchess Clementine, alam kong matagal nang patay ang anak n'yo. Pero mahirap paniwalaan na siya si Prinsesa Celestine lalo't na kung nandito siya kasama ni Prinsipe Clyde. Hindi ba dapat nasa palasyo n'yo siya?" pang-uusig ni Ross sa ginang.
Sa pinagsasabi nila, unti-unti kong naiintindihan na ang mag-asawang ito ay ang Zedler. Sila ang magulang ni Celestine.
"Nandito siya para matuto bilang isang prinsesa, lalo't na lumaki siya sa Setra," singit naman ng asawa nito.
"Gustong-gusto namin na tumira siya sa palasyo namin, ngunit gusto ko siyang matuto at masanay rito, lalo't na iba ang kinalakihan niya. Kung titira siya sa 'min ay wala siyang matutunan dahil kokonsintihin lamang namin siya dahil sa labis na pagkasabik ko sa kanya," dagdag ng ginang.
Huminga nang malalim ang hari. "Naaiintindihan ko, ngunit kailangan malaman din ito ng mga konseho."
"Kung gusto niyo po maulit ang blood test ay gagawin namin para mapatunayan na anak talaga namin siya, mahal na hari," muling sabi ni Duchess Clementine.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasi✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...