Chapter 65: Reinforcement (Part I)
"They're here," hindi makapaniwalang sabi ni Clyde.
Masaya akong napatango. Nandito sila. Ang dating magkakawatak. Ang dating naglalabanan. Narito ngayon sa iisang hangarin—para protektahan ang Astria.
Nilibot ko ang paningin at lalong lumapad ang aking ngiti. Kumaway sa akin ang mga babae na nakalilang suot. Naalala ko sila—ang niligtas namin noon sa Cassia. Gumawi ang tingin ko sa bandang kaliwa at nandoon naman ang mga nakaberdeng mga kawal—ang mga Saffronian at mas nanlaki ang mata ko nang makita si Hilda, tulad noon ay nakasuot siya ng salamin na may parang nakadikit na telescope doon. Nagawi rin ang tingin ko sa mga nakaasul na kawal na mukhang pinamumunuan ni Dustin. Hindi ko aakalain na kakampi ang mga kawal ng Aclar sa 'min laban sa hari.
Tinapik ni Peter ang balikat ko. "Nagpaiwan si Ivor para makatakas ako kanina at saka ko sila tinawag. Dapat kasi kaming mga Astrian ang nagtatanggol, hindi ang mga dayo lang," ngising sabi niya.
Hindi ko maiwasang mahinang napatawa. Mukhang siya talaga ang may pakana kung bakit nandito sila. Mapapansin din ang mga nakapulang kawal niya—ang mga Esterian ay nandito. Ang dating distrito na walang pake sa buong kaharian ay sumama sa amin para lumaban.
"Dapat na ba kong magpasalamat sa'yo?" natatawa kong saad.
"Dapat lang." Tumingin siya sa mga kalaban na nasa harap namin. "'Pag natapos 'to, ikaw naman ang manlibre sa 'kin, Avi ah."
Sana nga, Peter. Matapos na 'to.
Tulad ni Peter at Clyde ay hinanda ko ang espada para sa mga taga-Garon na patakbong lumalapit sa amin. Katulad ng iba ay nilabas ang kani-kanilang armas para sumugod. Habang ang iba namang panig namin ay tinutulungan umalis ang mga natirang mga umattend sa arena kanina, lalo na may mga batang natira.
Narinig ko ang malakas na sigawan mula sa magkabilang panig.
Mahigpit kong hinawakan ang espada at sinimulang isaksak sa mga lumapit sa akin. Sinipa ko ang isa pang lumapit. Itinapat ko ang kamay ko sa tatlong kawal sa harap saka gumamit ng ice blast. Tumilapon sila sa lamesa at nagbagsakan sa kanila ang mga babasaging baso.
Agad kong hinarang ang espada sa gilid nang maramdaman na may paparating na atake mula sa likod. Nakakabinging matinis na tunog mula sa nagkikiskisang espada namin. Hindi ko na pinatagal pa at mabilis hinuli ang pulsuhan niya na may hawak ng espada at pinulupot ang braso niya saka malakas na ibinagsak sa sahig. Namuluktot ito at halos hindi na makatayo.
Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang pagtakbo ni Godric. Tsk! Isang duwag na hari. Susundan ko na sana siya nang may humarang sa akin ng mga kawal na nasa lagpas sampu. Dahan-dahan akong umatras upang bumuwelo nang may mabunggo akong matigas sa likod. Napasilip ako sa kanya at napag-alaman na si Clyde pala 'to.
"Let me handle this," malamig na sabi ni Clyde habang matalim ang tingin sa mga kawal.
Nakangiti akong tumango. May tiwala ako sa kanya.
Sinimulan ko nang tumakbo nang may akmang hahabol pa sa akin. Nang humagis ang lima sa kanila sa lakas ng hangin na pinakawalan ni Clyde. Sinamantala ko 'to at hinabol ang hari.
Nang makalabas ng arena ay nilibot ko ang paningin ko kung saang direksyon dumaan ang hari hanggang nakita ko sa bandang kaliwang daanan—ang matabang lalaki na tumatakbo. Nagmadali akong tumakbo para maabutan siya saka nag-ice blast kaya napadapa si Godric.
Pinilit niyang tumayo kahit duguan ang kanyang braso at hita. Paika-ika siyang humarap sa akin habang hawak-hawak ang kanyang duguang braso.
"Sa tingin mo ba dito lang 'to matatapos?" diin niyang tanong sa akin. "Wala sa ugali ko ang sumuko."
Mariin siyang pumikit, nang makaramdam ako na malakas na hangin. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman kong kapangyarihan. Kusang umatras ang mga paa ko.
Nang unti-unting dumilat ang kanyang mata ay napalitan ito ng kulay itim. Nakakatakot siyang ngumisi. "Kung hindi ka matatablan ng kapangyarihan. Sila ang gagamitin ko," nag-e-echo niyang sabi.
Nagkaroon ng nabubuong bulto na kulay itim. Para ba itong anino na may sariling buhay hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng katawan. Halos mapaatras ako. Nanlalaki ang aking mga mata sa nakikita. Napapailing ako dahil baka namamalikmata lang ako. Ang nakabalunbon niyang puting buhok, ang paborito niyang kulay berdeng bestida na lagpas tuhod.
Sigurado akong si lola 'to. Ang tanging pagkakaiba lang ngayon ang mga wala niyang ekspresyon na mata.
Malakas na tumawa si Godric marahil nakikita niya ang naguguluhan kong ekspresyon. "Kaya mo bang kalabanin ang pinakamamahal mong lola?"
Nanlilisik ang aking mga mata ang pinukol kay Godric. Nagngingitngit ang aking mga ngipin. Paano niya nagawa 'to? Tahimik na si lola pero ginugulo niya pa rin 'to. Isa talaga siyang duwag!
"Ba't hindi ka gumagalaw diyan, Avi?" natatawang sambit ni Godric. "Kundi naman ako magiging hari na sa Astria, mabuti pang magdusa kayo tulad ng pagdudusa ko!" Nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ni lola mula sa likuran nito. "Ano pa hinihintay mo, Olivia. Patayin mo na ang apo mo." Ngumiti siya na kita ang hindi pantay na mga ngipin hanggang tuluyan siyang naglaho.
Ang ability na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil 'yon ang ginamit ni lola sa akin no'n para makatakas ako. Mariin kong naikuyom ang kamay ko. Gagamitin niya talaga si lola para matalo ako.
Bumaling ang tingin sa akin ni lola. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin habang hawak ang isang kutsilyo. Para bang isa siyang robot na sunud-sunuran kay Godric.
Nanginginig kong itinutok ang espada kay lola.
Hindi siya totoo. Wala na si lola, matagal na.
Paulit-ulit ko itong sinasabi sa aking isipan pero sa tuwing itutuon ko ang tingin sa kanya ay nanghihina ang aking tuhod na para bang ayaw nang kumilos at iturok ang espada sa kanya. Gusto ko na lamang siyang hagkan at huwag nang umalis sa tabi niya.
Huminto siya nang makatapat sa akin. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kutsilyo para itama sa akin nang mariin kong hinuli ang pulsuhan niya at inabante ang espada upang isaksak sa kanya—ang patayin siya.
"Apo."
Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Lola, ikaw na ba—
Napasinghap ako nang may maramdamang malamig na bagay sa aking leeg.
"Ang emosyon mo ang magpapabagsak sa'yo," bulong na galing kay Godric. Mukhang tineleport siya ni lola mula sa likod ko.
Idiniin niya ang espada sa leeg ko at nakaramdam nang paglabas ng dugo roon.
"Tapos ka na Avi—"
Hindi niya pa natutuloy ang balak niya nang may malakas akong kapangyarihang naramdaman. Naestatwa na lang ako sa bilis ng pangyayari. Tumilapon si Godric kaya lumayo ang agwat namin.
Napaatras ako kay lola at bumaling kung sino ang may kagagawan nito.
Isang babaeng nagliliwanag dahil sa taglay na kapangyarihan sa kanyang kamay. Ang brown nitong buhok, ang kulay asul niyang mga mata. Nakasuot ito ng kulay puting bestida na abot hanggang talampakan. Walang pagkakaiba nang una ko siyang nakita noon. Aakalain ko pa rin isa siyang diwata. Hindi ko inaasahan na dadating siya upang iligtas na naman ako.
Dumako ang tingin niya sa akin at matamis na ngumiti.
"Mom," mahina kong saad.
Natatawang pinagpag ni Godric ang kanyang damit at tumayong tinuon ang tingin kay mom.
"Leigh, hanggang ngayon, mang-iistorbo ka pa rin?" may pagkairitado sa boses niya.
"Ric, tumigil ka na," mahinahon pero may pagbabanta sa boses ni mom.
"Sana naisip mo 'yan ng mga bata pa tayo."
(to be continued...)
Author's Note: Chapter 65 Part II is already updated!
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasia✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...