(Unedited)
Chapter 60: Grief
Bigla akong nanlamig at nakaramdam ng pagkabalisa. Wala ni isang salita lumalabas sa bibig ko.
"Iiyak ka na lang?" inis na tanong ni Dustin pero hindi ko siya dinapuan ng tingin. "Nang dahil sa'yo namatay siya. Dinamay mo siya." Nag-uunahan pumatak ang luha ko. "Alam mo ba sinabi sa amin? Na patay na siya dahil hindi ka dumating sa usapan. Naabutan na lamang namin siya na malamig na bangkay."
Tahimik naman si Clyde para bang hindi niya naririnig si Dustin. Sinisisi niya rin ba ako? Napalabi ako. Kasalanan ko naman talaga kundi ko sana kinausap si Isla sa simula. Kung hindi ko sana siya kinaibigan, hindi ito mangyayari. Hindi siya mamatay.
Muli akong bumaling kay Isla. Namumutla ang kanyang balat at labi. Nalulunod sa sariling dugo. "S-sorry." Iyon lang ang tangi kong nasabi. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha saka tumungo sa pinto upang umalis.
Hindi ko na sila hinintay na magsalita. Nagdire-diretso ako palabas ng warehouse. Hindi ko kaya na makita silang gano'n.
Dahan-dahan akong naglalakad na hindi alam kung saan tutungo. Kung titingnan para akong patay na bumangon sa hukay na walang alam kung anong susunod na gagawin.
May hindi na naman ako naligtas. May namatay na naman ng dahil sa akin.
Akala ko malakas na ko. Kapag naging empress na ko, akala ko malalayo na sila sa kapahamakan. Maliligtas ko na sila pero hindi pala. Napatawa ako ng pagak. Mahina pa rin pala ako.
Nakaramdam ako ng patak ng ulan. Napatingin ako sa itaas. Pati ang langit ay nakikiayon sa sakit na nararamdaman namin. Unti-unti itong lumakas pero hindi alintana sa akin at patuloy pa rin akong naglalakad.
Para na akong basang sisiw. Kung sinuman ang makakakita sa'kin ay pagkakamalang nababaliw ako.
"Avianna!" tawag sa akin. Mula sa boses ni Clyde pero muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa may humarang sa harap ko na sasakyan. Natigilan ako nang lumabas ang taong 'yon na may hawak ng payong-si Ivor. Nagmamadali siyang nilagay ang jacket sa katawan ko.
Agad na binuksan niya ang pinto at pinasakay ako. Nang makapasok ay nabaling ako sa side mirror. Napapikit ako ng mariin nang makita na nadoon si Clyde nakatingin kung nasaan ako. Nakatayo at basang-basa ng ulan. Nakagat ko ang ibabang labi. Sorry dahil ayoko na madamay ka pa. Sorry dahil nahihiya ako. Wala na kong dinulot na maganda.
Nang makauwi, nagpatuloy ako papasok sa silid nang tawagin ako ni Ivor. "Buti naman ligtas ka."
Matamlay akong humarap sa kanya. "Bakit mo 'yon ginawa?"
Dumiretso ang tingin niya sa aking mata. "Dahil ayokong mapahamak ka."
"Pero napahamak ang kaibigan ko. N-Namatay siya Ivor ng dahil sa akin," nanghihina kong saad.
"Kamahalan..."
"Kung napaaga sana ako nang punta. Kung hindi sana ako nagtiwala sa'yo. Sana..." Napalabi ako at tuluyan nang pumunta ng silid.
---
Ilang araw na ang lumipas at nanatili pa rin ako sa silid. Lahat na nasa palasyo ay pilit akong pinapalabas pero katulad ng dati nakasuksok lang ako sa gilid. Sinisisi ang sarili. Paano 'pag lumabas ako at may mapahamak na naman?
Natuon ang atensyon ko sa pinto nang makarinig ng katok.
"Hija," boses na galing kay Tita Eleonor. "Ilang araw ka na raw hindi kumakain. Nag-aalala na kami sa'yo."
Hindi ako umaalis sa pwesto ko. Ayokong pati siya madamay. "Umalis na po kayo."
"Kung hindi mo bubuksan, dito na rin ako."
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...