Chapter 25: Psychic Ability
"Astrians! Tapos na ang first round ng battle!" masiglang sigaw ng emcee.
"Grabe partner, nakakagulat ang pinakita ng mga kalahok."
"Sinabi mo pa, sobrang galing nila. Mula sa sixteen na team, we're down to eight."
Muling pinakita sa screen kung sino ang magpapatuloy at kung sino ang makakalaban ng bawat team.
Team One vs Team Four
Team Six vs Team Seven
Team Ten vs Team Eleven
Team Thirteen vs Team SixteenBumunot ang emcee kung ano ang pagkakasunod ng laban sa second round.
"Ang unang lalaban sa second round ay ang Team Six vs Team Seven!"
Muling napuno nang malakas na hiyawan ang stadium.
Pumunta na sa gitna ang dalawang panig. Nabaling ang tingin ko sa Team Seven—kung tutuusin ay lugi ang mga hunters sa larong 'to. Wala naman silang ability kaya balewala lang ang kwintas kung meron man o wala ang leader nila. Pare-parehas pa rin silang 'di makakagamit ng ability. Tanging weapon lang. Halata naman kasi sa rules, ginawa lang 'to na naayon sa kakayahan ni Ross.
Nalipat muli ang lokasyon. Sa lumang village napunta ang dalawang team.
Mahirap nilang makikita ang dalawang panig. Bukod kasi sa madilim ay maraming bahay na pwedeng pagtaguan. Mas mahirap ito kaysa sa mga naunang lugar.
Nagulat na lang kaming manonood na may sumulpot na mga halimaw sa Team Seven. Ngunit mas nagulat ako sa bilis na nangyari. Agad nila itong tinalo na para bang hindi big deal ang mga ito.
May lumabas na dalawang gemstones at napunta sa dalawang member. So, pwede na silang makakuha ng weapons or book spell. Dahil isa silang mga hunter, kinuha nila ang weapons.
Mabilis na tumakbo ang lider nila at sinundan ng dalawa na para bang may hinahabol. Umakyat pa sila sa bahay-bahay at muling nagsitakbo sa mga bubong. Tiningnan ko ang Team Six at do'n ko lamang napansin na pupunta ang Team Seven sa kanila.
"Paano?" Sobrang layo nito, paano niya natunton ang kalaban?
"Sixth sense, sense of hearing," sagot naman ni Clyde.
Kung gano'n malakas talaga ang pandinig nila, delikado ang Team Six. Sa mga kilos pa nito mukhang wala silang kaalam-alam na malapit na ang kalaban.
Bawat naman galaw ng Team Seven ay para silang lumulutang. Hindi man lang sila nakakagawa ng ingay sa pagtakbo. Mukhang sanay na sanay.
Pagdating sa target nila ay bigla na lang nila itong sinugod gamit ang espada. Mabilis nila itong napabagsak kahit na may ability ang lider ng Team Six. Kinuha ng Team Seven ang kwintas at muling nagbalik ang lokasyon sa stadium.
"The winner for this round is Team Seven!"
"Hunters, dapat hindi sila minamaliit. They are amazing,"
"Yes partner, I was speechless."
Kami na ang next. Lumabas na kami sa silid at dumiretso sa gitna ng stage. Halos magkatapat kami ni Isla. Nginitian lang ako nito. Ano kaya balak ng babaeng 'to?
Habang nakasakay sa sphere ay binalaan ako ni Clyde. "Don't stare at her." Tumango na lamang ako.
Nagbago ang lokasyon sa lumang village pero ibang-iba ang itsura nito sa kanina.
Habang naglalakad ay biglang gumalaw ang tinatapakan namin. Agad kaming napaatras at napasinghap na lang ako na naging durog-durog na bato ang kaninang tinatapakan namin. Buti na lang nakaalis kami agad.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...