Chapter 31: Decision

7.5K 354 77
                                    

Chapter 31: Decision

Third-Person Point of View

Inaayos ni Ivy ang suot niyang pang-Americana, ngayon lang nakasuot ng ganitong mamahaling damit si Dustin. Ganumpaman ay hindi magawang ngumiti ng batang lalaki.

"Bakit kailangan ko pa pong umalis?" tanong na musmos na si Dustin.

Inayos ni Ivy ang kulay brown na buhok nito. "Kasi nandoon ang tatay mo."

"Kaya lang naman kailangan kong pumunta ro'n, dahil utos ni Duchess Liza pero kung hindi naman niya sinabi, hindi ako pupunta ng Astria," maktol ni Dustin.

"Dustin, isipin mo na lang kapag nandoon ka, makakapag-aaral ka. Hindi tulad dito sa Marren, hindi kita kayang pag-aralin. Sa amin pa lang mag-asawa ay kulang ang ikinabubuhay namin." Hinawakan ng ginang ang balikat ng bata. "At kapag nandoon ka na, makakapaghiganti ka na sa nanay mo."

Ang ama niya ang dahilan kung bakit namatay ang ina nito. Kung hindi sila iniwan nito, hindi magpapakamatay ang kanyang ina. Sana kasama niya pa ito. Sana buhay pa siya.

Hindi niya makakalimutan kung paano tumangis ang kanyang ina para lang bumalik ang ama nito. Pero ano ginawa ng walang kwentang ama niya, pinagtabuyan lang sila.

Naagaw ang atensyon nila nang marinig ang pagdating ng karwahe.

"Nandyan na pala ang mga kawal, mag-iingat ka Dustin!"

"Paalam, Tita Ivy!" Niyakap niya ito nang mahigpit. Pagkatapos ay tuluyan nang sumakay sa sasakyan patungo sa palasyo ng hari.

Nang makarating siya sa palasyo, halos malula ito sa sobrang laki. Nasanay kasi siya sa isang maliit na bahay. Halos mamangha siya nang makakita ng mga naglalakihang at nagagandahang chandelier.

"Nandito ka na pala." Nadako ang tingin niya sa kanyang ama, si Godric. Kasama nito ang isa pang anak na si Ross na halos kasing edad niya lang. Bumaba sila mula sa hagdanan kaya mas natitigan ni Dustin ang mukha nila. Hindi maakilang may pagkakaparehas sila ng itsura. Ang kulay pula nitong buhok at ang kulay tsokolateng mga mata ay namana ng mga anak sa kanilang ama. 

"Simula ngayon dito ka na titira, maninilbihan ka bilang isang kawal sa mga Maxfield. Naiinitindihan mo ba?" sabi ni Godric.

"Opo, Papa," sagot niya. Lumapit ang ama niya rito at marahang hinaplos ang kanyang mukha. Namilog na lang kanyang mga mata. Sa isang iglap ay nawala ang galit niya sa kanyang ama. Tila lahat ng balak niya upang maghiganti rito ay biglang naglaho. Dahil hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang pagmamahal ng isang ama. Kung paano ito mag-alaga, kung paano mahalin ang sarili niyang anak. 

Hanggang sa um-echo sa buong palasyo ang malakas na sampal galing kay Godric. Nawalan ng balanse ang bata at agad napahandusay sa sahig. Halos namumula ang pisngi ni Dustin sa ginawa ng kanyang ama. 

"Don't call me that, address me to Duke Godric!" galit na sabi ni Godric kasabay nang pag-iwan sa kanya. At ang kapatid naman niya na si Ross ay malapad na ngumisi na para bang tama lang ang ginawa sa kanya.

---

Nasa palasyo siya ng Maxfield kasama ang prinsipe na si Clyde. Tinuturuan na siya agad maging isang kawal. Halos kaedad niya lang ito na para bang nasa edad na sampu. Bukod pa sa kanya ay may kasama pa itong isang kawal na nagbabantay.

"Hey, come here." Turo ni Clyde sa kanya.

Lumapit si Dustin. "Bakit po mahal na prinsipe?"

"Can you kick his ass off?" Turo nito sa isa pang kawal na kasama niya.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon