Chapter 22: Mystery
Avianna's Point of View
Nang makita ang libro ay dinala ko ito sa aking silid at sinimulan isalin ang Hidden dimension sa kasalukuyang lengwahe. Halos hindi na ko umaalis sa pwesto ko. At buti naman ay walang nang-iistorbo sa 'kin. Ilang araw ko na rin itong sinasalin pero wala pa ko sa kalhati sa sobrang kapal nito. Wala pa kong nakukuhang sagot. Napagulo na lang ako ng aking buhok.
Marren Empire. Base sa mga naisalin ko, kinukwento lang nito kung sino ang mga namumuno, kung anong klaseng lugar ang imperyong 'yon. Paglipat ko ng pahina, may napansin akong kalhating papel na may isang salita na nakasulat. Kinuha ko ito at nagtatakang pinagmasdan.
Dali-dali kong kinuha ang libro ng lengwahe ng Eubiya at agad isinalin—Pangalan.
Nakakapagtaka man ay isinulat ko ang aking pangalan.
Napasinghap na lamang ako nang mawala lahat ng sulat at napalitan ng bago. Unti-unti itong nagkaroon na lumiliwanag na sulat na para bang may nagsusulat dito. Tulad nang nauna, ay isinalin ko ito.
Anak, matagal ka na naming hinihintay.
Kumunot ang noo ko. Sino ang tinutukoy niyang anak?
Tinanong ko ito kung sino ito sa pamamagitan ng pagsulat ng Eubiya. Ngunit habang naghihintay ng sagot ay bigla na lamang umapoy ang papel. Napatayo ako palayo kasunod nang mabilis na pagkalat ng apoy sa libro hanggang tuluyang naging abo ito.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasia✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...