Chapter 10: A Representative

9.6K 545 12
                                    

Chapter 10: A Representative

"Anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ni Duke Odin. Mukhang tuluyang napuno ko na ang konsehong ito.  

"Wala po kayong karapatan bastusin ang prinsipe. Kung magsusumbong kayo, sisiguraduhin kong madadamay kayo."

"Ako ba talaga ginagali—"

"Duke Odin! Hina—" masayang bati na kararating lang ni Duke Stephen, si dad, ngunit agad din napatigil nang siguro makita kami. 

Ganumpaman, hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Matapang akong nakatingin kay Odin.   

"Hinahanap na kayo ng hari," muling sambit ni Duke Stephen kay Odin.

Bumaling si Odin kay dad. "Ayusin mo 'yang anak mo," diin na sabi nito at tuluyang umalis sa silid.

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Duke Stephen sa amin ni Clyde. Pero hindi ko siya sinagot. Hindi ako makahanap ng salita dahil sa galit. Naikuyom ko ang aking kamao. 

"Mahabang istorya, Duke Stephen," sagot ni Clyde.

Napabuga na lang ng hangin si dad. "Umuwi muna kayong dalawa, mahirap mag-eskandalo dito sa palasyo niya." Sumunod na lang kami at naunang umalis si Duke Stephen upang bumalik sa piging.

"Don't mind him," pagtukoy ni Clyde kay Odin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Kahit papaano nahimasmasan ako sa inis kay Odin. "And thanks." Tipid siyang ngumiti. Napakurap ako. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti—ang totoong ngiti na bagay sa mukha niya. 

Umismid ako. "Ginawa ko lang 'yon dahil hindi bagay sa'yo inaapi." 

Natawa na lang siya sa sagot ko. Pero sa kabila no'n ay bumabagabag pa rin sa'kin ang sinabi ni Odin tungkol sa ina niya. 

Matapos ang nangyari ay nagtungo kami ni Clyde sa library niya upang pag-usapan ang susunod na hakbang.

"Dahil hindi umubra ang plano. This is our next plan. You need to be a representative of Zedler," paliwanag ni Clyde.

"Ibig sabihin..."

"Ikaw muna pansamantala ang papalit sa Zedler."

---

Meeting

"Nagkaroon ng pagbabanta ang Loire Kingdom sa bandang hilaga at kung hindi natin isasakripisyo ang pag-aangkat sa ibang kaharian at imperyo ay mapipilitan silang magsimula ng giyera," panimula ni Haring Godric. 

"Hindi natin pwedeng isuko ang pinakakabuhayan ng Astrians," sabi ng isang konseho. 

"Kaya kailangan natin ng paraan kung paano ito mareresolba," may diin sa pagkakasabi ni Godric. 

Napuno ng mga suhestiyon ang silid. Ngunit nagkakaroon ng mga taliwas na reaksyon sa bawat paghayag nila ng ideya. 

"Paano po kung sumugod na tayo nang mas maaga?" Biglang tumahimik ang silid at natuon ang atensyon nila sa akin. Base sa mga tingin nila ay hindi na dapat ako nagsalita pa. 

"Bata ka pa, hindi mo pa alam ang—" mataray na saad ni Lady Margaret.

"Hayaan natin siyang magsalita," pagputol ni Duchess Sarah sa ginang.

Tumikhim ako. "Alam po natin na kagagaling lang nila sa giyera sa ibang kaharian. Kung susugod tayo nang maaga, malaki ang tiyansa na hindi pa sila handa sa panibagong giyera."

Nagkaroon ng bulungan ang silid. Halatang inaalisa kung tama bang sundin ang sinabi ko. Hanggang natapos ang pagpupulong ay may agam-agam kung susundin ba nila ang suhestiyon ko. 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon