(Unedited)
Chapter 47: The Labyrinth
Naikuyom ko ang aking kamay sa inis. Kung napaaga lang sana ako. Kung nalaman ko kaagad na si Ethan ang target nila at hindi ako, hindi siya mahuhulog.
"Hoy, tapos na ang laban," sigaw nang tumulak kay Ethan sa test coordinator na si Yna.
"Naitumba na namin 'yung kagrupo nilang pan—"
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya sa bilis na nangyari. Sumugod si Ivor sa dalawa saka pinatay gamit ang kanyang katana.
"Ako lang ang may karapatan na tumawag sa kanya ng pandak," diin na sabi ni Ivor sa dalawa na wala ng buhay.
Ang ibang participants naman ay kinakabahan na tumingin kay Ivor—madilim ang mukha nito na para bang handa pumatay kung sinuman ang lalapit sa kanya. Dapat makaramdam na ako ng takot pero hindi ko magawa. Tila natutuwa pa ako na pinatay niya ang mga ito. Ni hindi man lang ako makaramdam ng awa sa sinapit nila.
Bumaling si Yna at ngumisi sa dalawang patay na. "Hindi pa tapos ang fifteen minutes."
Naguguluhan akong tumingin kay Yna. Ha? Dalawang grupo na lang natitira. Tanggal na kami at pinatay naman ni Ivor ang dalawa.
Hindi kaya... Napasinghap ako nang maalala ang sinabi niya kanina.
"Ang kailangan lang sa phase na 'to ay magkasama-sama ang magkagrupo bago matapos ang fifteen minutes. Kapag kulang kayo ng kahit isang member lang, automatic talo na kayo..."
Unti-unti akong nagkaroon ng konklusyon.
"Ivor," tawag ko. Lumingon siya at nawala ang madilim nitong aura. Parang nahimasmasan nang makita akong seryoso. Lumapit si Ivor kasunod nang paglingon ko sa ibaba. Sobrang dilim doon at halos walang maaninagan.
"'Wag mong sabihin..." Tila nahulaan niya ang aking balak.
"Kailangan nating sundan si Ethan sa ibaba." Katulad nang sinabi ni Yna. Dapat bago matapos ang fifteen minutes, magkasama-sama kami. At wala itong sinabi kung saang lugar.
Pinitik niya ang noo ko. "Nababaliw ka na ba?"
"Subukan natin na tuma—"
"At ano naman kapalit? Kapag hindi tama 'yang naiisip mo, pwede tayong mamatay at sumunod kay Ethan," naiiling na sabi ni Ivor. "Your rash judgment will lead to your failure."
Aalis na sana si Ivor sa harap ko nang hawakan ko ang laylayan ng damit niya. "Sorry," sinseridad kong sabi.
Napatigil siya at napabuga ng hangin. "Sa susun—"
Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang mapalitan ito nang malakas na sigaw at mura sa akin nang itulak ko siya sa bangin.
Napatingin ako sa paligid na nagtataka sa ginawa ko habang si Yna ay pangisi-ngisi lang. Hindi ko na sila pinansin pa at tumalon kasunod ni Ivor.
Napapikit na lamang ako sa lakas ng hangin na tumatama sa akin. Ilang minuto na rin ang lumilipas nang makita kung ano ang nasa ibaba nito. Isang dagat.
Shit! Akala ko may ability na sasalo sa amin. Ano 'to? Mamatay na ba ako?
Nang malaglag ako sa dagat ay hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. Para lang akong bumagsak sa malambot na bagay.
Unti-unting lumubog ang aking katawan sa dagat. Pailalim nang pailalim. Kainis. Hindi ako marunong lumangoy. Sinubukan kong itaas ang kamay ko pero nahihirapan na akong igalaw ito. Kinakapos na ko ng hangin at dumadaloy na ang tubig sa aking lalamunan. Gusto nang pumikit ng mata ko nang may maaninagan ako na lumalangoy patungo sa akin.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...