Chapter 61: Blinded by...

4.8K 314 96
                                    

Chapter 61: Blinded by...

Third-Person Point of View

Hiyawan ng pagtutuligsa sa hari ang naririnig sa labas ng palasyo. Hindi lang Setran ang mga naroroon kundi pati ang ibang distrito ay nakikipagbaka.

Napahawak sa sentido ang hari na nakaupo ngayon sa kanyang trono. Sa sobrang dami nila ay naririnig ang ingay hanggang sa loob ng silid.

"Kasalanan ito ng Avi na 'yon, iniiba niya ang bawat patakaran ko. Kinakalaban niya talaga ako!" nangagalaiti na sabi ng hari. Napainom na lang siya ng wine sa tabi niya. Nakakailang lagok pa lang siya nang may tumungo sa harapan niya—si Ross.

Yumuko ang binata. "Mahal na hari, gagawa po ako ng para—"

Sa inis niya binato niya ang kanyang hawak na babasaging baso sa anak. Pinangsangga ni Ross ang kanyang braso kaya nagdugo ang mga ito.

"Umalis ka sa harapan ko dahil lahat na lang ng plano mo ay palpak, inutil!"

Sumunod si Ross nang mapatigil siya sa kanyang narinig na mahinhin na tumawa. Nadako ang tingin ng mag-ama sa babaeng ito na unti-unting lumalapit sa kanila. "N-Nakakatawa kayo."

"Ano ang ginagawa ng prinsesa ng Edovia rito?" taas-kilay na tanong ni Haring Godric.

Lumapad ang ngisi ni Amethyst. "Iisa lang naman ang hangarin natin, 'di ba? All we want is to kill that bitch."

"And how could you do that?" inis na tanong ni Ross. Parang pinamumukha ng babae na wala silang kakayanan na talunin si Avianna.

Imbes sagutin ni Amethyst ang tanong nito ay may lumapit na sa pwesto nila na nagpalaki ng mata ng hari. Napatayo ito sa kanyang upuan at hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ano ang ginagawa mo rito?" diing tanong ni Haring Godric sa prinsipe ng Garon.

Naglakad muli ang lalaki at tumapat sa harapan ng trono. "Binibisita ka, sinisingil sa lahat ng inutang mo."

Tumikhim ang hari. "Prinsipe Benjamin, hindi pa ba sapat ang pinakalat n'yong sakit sa kaharian ko? Nawalan kami ng pagkukunan ng pera. Maraming umalis na kaalyansa ko. At ngayon tinitiis ko na lang makisama sa imperyong Marren na 'yan!"

Naiiling na tumawa si Prinsipe Benjamin. "It's your fault, majesty. Kung hindi mo kami niloko. Kung hindi mo pinalabas na buhay pa ang mga royalty na binigay mo, hindi namin gagawin 'yan. Biruin mo sa sobrang kasakiman ng hari ng Astria, humingi ka ng tulong para makakuha ng agimat para hindi ka mapatay. Maliit na bagay lang naman ang hinihingi naming kapalit at 'yong magbigay ka ng taong may dugong bughaw. Pero ano ang ginawa mo? Ginamit mo ang ability mo at pinalabas na buhay pa sila."

Nag-snap ng daliri ang prinsipe. Natuon na lang ang atensyon ng hari sa tumutulong itim na likido mula sa kwintas niya hanggang sa unti-unti itong nalusaw. Nagdulot tuloy ito ng mantsa sa kanyang kasuotan.

"Ano ang ginawa mo sa kwintas ko?" Natatakot ang hari dahil ito lang ang panangga niya laban sa mga kumakaaway sa kanya. Maraming beses na siyang niligtas ng kwintas at hindi pwedeng mawala ito sa kanya.

"Sinira ko. Mukhang masyado ka nang nag-e-enjoy sa kwintas ko. Kami nga wala ng kwintas dahil hindi namin maipagpatuloy ang ritwal sa dahilang niloko mo kami. Paano kaya kung ikaw ang gawin kong alay?"

Napaatras ang hari nang muling marinig ang nakakatakot nitong tawa. Ang mga taga-Garon ay walang ability. Tanging ritwal lang ang ginagawa nila para makakuha ng kapangyarihan sa mga taong may ability. Pati ang anak nito si Ross na may magic negation ay hindi mapipigilan ang kapangyarihan ni Prinsipe Benjamin.

"Pero huwag kang mag-alala, mababayaran mo kami kung tutulungan mo kami. At ako ang bahala sa nangingialam na empress dito."

"Paano namin gagawin 'yon?"

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon