Chapter 49: The Throne
Limang araw na ang nakakalipas nang mapuntahan ko ang bawat tribo ng Marren Empire. Marami akong natutunan kung ano ang kinabubuhay nila at kung anong klaseng tribo ang mga 'yon.
Ngayong umaga, pinapunta ako ni dad sa training room sa palasyo namin.
"Anak," masiglang bungad sa akin ni dad pagkapasok ko sa silid. Mapapansin na nakasuot si dad ng paborito niyang kapa—gawa ito sa balat ng hayop na nababalot sa mahabang puting balahibo.
"Ano pong meron?"
Lumapit siya sa akin at marahang kinuha ang aking kaliwang braso, kung nasaan ang marka na nakuha ko galing sa libro.
"Naalala mo pa ba ang kapangyarihan ng libro?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa marka. "Sa tingin ko ay hindi mo pa napapagana ang bago mong ability, tama ba?"
Dahan-dahan akong napatango. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung ano bang meron sa Hidden Dimension book. Sa sinabi no'n ni dad, na immune sa magic ang pwede kong makuhang ability. Pero bakit tinablan pa rin ako ng mga ability ng kalaban ko sa battle?
Binitawan ni dad ang braso ko at patango-tango siya na tila tama ang kanyang hinuha.
"Kaya gusto kitang paturuan sa kanya." Bumaling siya sa likuran ko kasunod nang pagbukas ng pinto.
Bumungad sa akin si Ivor na kapapasok lang. Kumunot ang noo ko. Agad akong bumaling kay dad at nagtatanong ang aking mga mata. Pero ngumiti lamang siya. Parang hindi ko gusto ang plano ni dad.
"Si Ivor ang pinakamalapit na ability sa kapangyarihan ng libro." Lumapit si dad kay Ivor at ngumiti. "Magic negation, right?" tanong niya.
"Yes, your majesty," magalang na sagot ni Ivor.
"Ang anak ko naman ay may magic immunity. Pero hindi niya pa ito alam gamitin." Hinawakan ni dad ang balikat ni Ivor at tinapik ito ng dalawang beses. "Kaya umaasa ako na matuturuan mo siyang paganahin ang ability niya."
Mabilis yumuko si Ivor. "Opo, kamahalan. Gagawin ko po ang lahat para matuto siya."
"Good to hear that." Tumalikod na si dad at tuluyan na akong iniwan sa mayabang na lalaking ito.
Pinagkrus ko ang aking braso at tinaasan ng kilay si Ivor.
"At ano naman ang pinakain mo kay dad?"
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "C'mon, Princess Ash! Alam kong alam mo kung bakit niya ako pinili na turuan ka. Dahil magaling ako."
Mabilis kong hinuli ang pulsuhan ni Ivor saka pinilipit ang braso niya na naging dahilan ng hiyaw niya sa sakit.
"Ah, s-sh*t! Masakit ah!" daing niya sabay bitaw ko sa braso niya.
Ngumisi ako. "'Yan ang napapala ng mayayabang."
Natatawa akong tiningnan siya habang namimilipit sa sakit. "So mahal na prinsipe, may matutunan ba ako sa'yo?"
Umayos si Ivor ng tayo na tila hindi na ininda ang sakit na ginawa ko at naging seryoso ang kanyang ekspresyon.
"Huwag kang umalis sa tabi ko at matuto ka sa akin."
---
Ilang araw na kami nagprapraktis ni Ivor. Nakatayo ako sa tapat niya habang siya nakahiga sa bench at paulit-ulit na sinasalo ang maliit na bato sa kanyang kamay. Mariin kong pinagdikit ang aking labi, nagngingitngit ang aking mga ngipin sa inis. Habang ako nagpapakahirap, siya naman pa-easy-easy lang.
Tatlong araw na puro ganito ang sistema namin. Sinusubukan kong paganahin ang ice ability ko habang ginagamit niya ang magic negation sa akin.
Kung tutuusin malakas ang ability niya halos magkaparehas sila ni Ross. Ang kaibahan lang, si Ross kailangan nakikita ka niya para hindi mo magamit ang ability mo. Habang si Ivor naman 'pag malapit ka sa kanya—kaya niya na hindi mo magamit ang ability.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...