Chapter 56: Outset

5.6K 368 130
                                    

Chapter 56: Outset

"Not bad. Pero mas maganda pa rin sa Cassia," sabi ni Ethan habang nililibot ang lugar.

Nandito kami nila Ethan at Marydale sa bayan sa Aclar. Nagpasamang bumili ang dalawa dahil ubos na ang stock namin na nabili noon sa Cassia.

Tatlong araw na rin ang nakalipas nang bumisita si Clyde. Matapos no'n ay hindi ko na siya nakita pa.

"Mas malala sa Marren, puro espada ang tinitinda ro'n," naiinis na sambit ni Marydale. "Pero in fairness dito ah, may mga rides!" Turo-turo ang roller coaster.

Kumislap ang mata ng magkapatid at dali-daling pumunta sa may roller coaster para sumakay. Napailing na lang ako, halatang hindi pa nakakasakay sa mga rides ang dalawa.

"Avianna." Tumingin ako sa gilid kung saan nagmula ang boses na 'yon.

"Miss Eleonor..."

Ngumiti siya at lumapit sa akin. "Drop the formality. Tita na lang." Tinitigan niya ang mukha ko na mukhang may naalala. "Kaya pala nakikita ko siya sa'yo, anak ka pala ni Ashleigh."

Tuwing nagprapraktis kami noon, palagi niyang naisisingit si mom dahil katulad ko raw ito, hindi lang dahil kahawig ko kundi pati hilig at ugali ay kaparehas ng kaibigan niya. Sino mag-aakala na anak pala ko ng matalik niyang kaibigan?

"Baka gusto mong bumisita sa palasyo? Para makapagkwentuhan muna tayo." Hindi na sana ako papayag nang unahan niya ko. "Huwag kang mag-alala aalis ang prinsipe mamaya. Isa pa, hija. marami-rami itong lulutuin ko," muling hikayat niya sabay taas niya ng mga supot na pinamili niya.

"May bisita po ba? Nakakahiya naman po."

"Naku, walang bisita, sadyang naging matakaw lang si Prinsipe Clyde. Nagulat na lang ako na biglang nagpaluto nang marami at halos maubos niya ang mga 'yon. May nagsabi raw kasi sa kanya na payat siya."

Umawang ang labi ko. Masyado niya bang dinamdam ang sinabi ko? Pinigilan kong ngumiti dahil sa inasta ni Clyde. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit 'yun ang nasabi ko.

"Kung sinuman ang nagsabi no'n ay hanga na ko sa kanya. Dati kasi kahit anong pilit namin kumain ang batang 'yon ayaw kumain. Ngayon naman akala mo may pista palagi sa palasyo."

Nang maaninagan ko na ang magkapatid na papalapit sa pwesto namin ay nagpaalam na si Tita Eleonor. "Mamayang ala-una hija ha."

"Sige po," ngiti kong sabi.

---

Tumupad ako sa usapan namin ni Tita Eleonor. Sobrang saya niya na dumating ako at dumiretso kami sa kusina. Mapapansin walang pinagbago ang palasyo ni Clyde. Ang kulay puting dingding, ang mga nakadisplay at gamit ay gano'n pa rin. Parang hindi man lang naalis ang mga ito sa dating pwesto.

Umupo ako sa upuan sa may mahabang mesa kasunod nang pag-upo ni Tita sa tapat ko.

"Pasensya na, pinapakuluan ko pa ang ulam."

"Okay lang po."

"Hija, maari ka bang magkwento kung anong nangyari sa'yo?

Tumango ako at ikinuwento ang lahat. Halos natahimik siya at hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Tumikhim ako at iniba na ang usapan. "No'ng mawala po ako sa Astria, ano naman po ang nangyari?"

Biglang nabago ang ekspresyon niya—napawi ang kanyang ngiti. "Simula nang akala namin patay ka na, maraming nagbago, hija. Nawalan ng kulay ang palasyong ito. Ni hindi ko man lang makitaan ng ngiti ang mga kaibigan mo. Palagi silang busy para makuha ang hustisya mo. Lalo na ang alaga ko, miski kumain ay hindi magawa. Lahat sila sinisisi ang sarili nila dahil hindi ka nagawang iligtas."

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon