Chapter 28: Minesweeper
Hindi nila kasama si Peter. Nasaan na kaya siya?
Nabaling muli ang atensyon ko kay Zyra nang magsalita. "Nakalimutan ko, ikaw na bahala kapag hinanap nila si Ian." Ngumisi siya kasabay nang pagpasok nila sa portal na tuluyan nang nawala.
Mabilis akong gumawa ng ice clone ni Ian para hindi nila malaman na umalis na siya. At bumalik sa dating pwesto. Muli, nagbabagsakan na ang mga niyebe. Mukhang natapos na ang time loop.
"Tatakbo na lang ba kayo?" tanong ni Avez. Bumalik na nga ang oras.
Gumawa siya ng lightning arrow patungo sa 'min. Kaya gumawa ako ng malaking ice shield laban do'n. Matapos nito, pinalayo at pinatakbo ko ang ice clone ni Ian. Mahirap na, kailangan hindi ito masira hanggang sa matapos ang laban.
Sinubukan kong gumawa ng ice blast at tinapatan naman niya ito ng kidlat na inipon sa kanyang kamay. "Lightning Cannon!" sigaw niya.
Napamura na lamang ako nang maglaho ang ice blast ko na parang bula at dali-daling bumulusok ang kidlat patungo sa pwesto ko.
Naestatwa na lang ako kinatatayuan. Paano ko mapipigilan ang parating na kidlat niya?
Huminga ako nang malalim. Kahit alam kong imposible maharangan 'to. Hinanda ko ang ice manipulation ko. Sinubukan kong gumawa nang malakas na kapangyarihan mula sa 'king kamay. Unti-unti ko itong pinalalakas nang mapatigil ako nang may humarang na dalawang bulto sa harapan ko. Bigla na lang sumulpot si Clyde at Dustin.
Gumawa si Clyde ng air manipulation sa kanan nitong kamay at si Dustin naman ay fire manipulation sa kaliwang kamay. Pagkatapos ay pinagsama nila ang malakas na enerhiya. Nagkaroon nang malaking bilog na kulay abo. Tila nandoon ang lahat ng lakas nila pero hindi ko maintindihan ang balak nila.
Ano man 'yon ay hindi na nila mapipigilan ang pinakawalan ni Avez dahil ilang distansya na lang at didiretso na sa amin ang lightning cannon niya.
Namilog ang mata ko nang makaramdam lang na malakas na hangin. Nilipad ang ilang hibla ng aking buhok. Napakurap ako. Tama ba ang nakita ko? Tumagos lang ang kidlat sa 'min. Wala man lang kaming kasugat-sugat, ni hindi man lang kami nagalusan.
Dumako ang tingin ko sa dalawa na halatang mabigat ang paghinga. Gano'n ba kalakas na enerhiya ang pinakawalan nila kaya parang naubos ang lakas nila?
"Air and Fire combination can create smoke manipulation," simpleng sabi ni Clyde.
Unti-unting naliwanagan ang aking isipan sa sinambit niya. Ibig sabihin 'pag pinagsama ang kapangyarihan ng dalawa ay kaya na nilang makagawa ng smoke manipulation. Tulad na lang ng pagtagos ng kidlat sa 'min na tila isa kaming hangin.
Nawala na ang smoke manipulation nila at tumuon ang tingin ni Clyde kay Avez. Itinaas niya bahagya ang kanyang isang kamay at nagkaroon na lang na malakas na buhawi patungo sa pwesto ni Avez.
Napasinghap ako. Balak ba niyang patayin si Avez?
Kitang-kita ang pagbilog ng mata ni Avez. Dali-dali siyang tumakbo palayo pero sa tingin ko ay hindi na siya makakaiwas sa bilis na pagtungo sa kanya ng buhawi. Hanggang sa nasira ang tipak ng yelo na tinatapakan niya at tuluyan siyang nadapa. Hindi na niya sinubukang tumayo sa halip ay nanginginig siyang paupo na umaatras. Nang wala na siyang pag-asang makawala pa sa buhawi ay mariin na lang siyang napapikit.
Narinig kong nag-snap si Clyde at ang malaking buhawi ay agad na naglaho na parang bula. Hinihingal si Avez na tila nakatakas kay kamatayan. Sinamantala ni Clyde ito at tumungo sa pwesto ni Avez saka kinuha ang kwintas nito. Katulad ng dati ay bumalik na ulit ang lokasyon sa stadium.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasía✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...