Chapter 30: The Crown Prince

7K 360 5
                                    

Chapter 30: The Crown Prince

Tumayo kami nang makita namin si Ross. Kinuha ko kaagad ang espada at akmang susugod sa kanya nang hatakin ako ni Clyde at nilagay sa likod niya. Tiningnan ko siya na naguguluhan. Sugatan siya kaya kailangan namin magtulungan.

"Kung lalaban ka, lalaban din ako," seryoso kong saad. Napabuga na lang siya ng hangin.

Nakakairitang ngumisi si Ross nang may paparating sa akin na malalaking ugat. Agad na nilabas ni Clyde ang espada niya at mabilis na hiniwa ito at tinutok kay Ross.

Mukhang ako ang target ni Ross.

"Paano tayo makakasigurado na hindi siya isang vexling?" tanong ko kay Clyde. Mahirap na baka isa naman itong vexling.

Umikot na lamang ang bilog na mata ni Ross sa sinambit ko. "Sa tingin mo ba mukha akong vexling?" Para bang diring-diri ito na pag-isipan na isa siyang vexling.

"Hindi ako nakakagamit ng ability ngayon," sabi ni Clyde na matalim na nakatingin kay Ross.

Tumaas ang kilay ni Ross na para bang iniisip kung paano namin nalaman na kaya niya mag-nullify ng ability. Binura nga pala ni Isla ang memorya niya no'ng nagharap kami kaya wala siyang alam.

"Tama ka, Prince Clyde. A vexling can imitates person's ability kung nakita niya na gumagamit ng ability ang isang tao," paliwanag ni Ross.

Parang ang pinupunto niya na hindi siya nakita ng vexling na gumamit ng nullification kaya hindi siya nito magagaya.

Bumaling sa akin si Ross na hindi man lang naalis ang ngisi sa labi. "Nagustuhan mo ba ang pagtali ko sa'yo ng ugat?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ibig sabihin siya ang gumawa kaya napalupot ako ng ugat. Kaya nahuli ako ng vexling at muntik nang mamatay. Naikuyom ko ang aking kamao.

Dumiin din ang paghawak ni Clyde sa espada. Iba ito sa inaasahan ko. Kilala si Clyde sa mapagtimpi pero sa inaasta niya ngayon ay parang papatay siya ng tao. Marahang hinawakan ko siya sa braso kaya kunot-noo siyang napatingin sa 'kin. Miski ako'y nagulat sa inasta ko kaya napabitaw na lamang ako sa kanya saka umiling at nilipat ang tingin sa ibang direksyon.

Agad akong napalingon sa kanya nang ilagay niya ang kanyang kamay sa ulo ko. "Trust me." Sa simpleng salita niya lang ay nakahinga ako nang maluwag—naging panatag ako na makakaya niya, na matatalo niya si Ross. Tipid akong napangiti.

"Ang unfair naman kung mag-isa lang ako lalaban sa inyo," mapanuksong sambit ni Ross.

Unti-unti nagkaroon ng maraming Ross sa paligid mula sa kanyang katawan. Nadagdagan ng tatlong bulto na katulad na katulad niya. Kung tutuusin ay hindi mo malalaman kung sino ang totoong Ross. Nakakapagtaka lang kung paano nagkaroon siya ng clone magic.

"That's it, two versus two!" sabay sabay nilang sambit.

Nagngitngit ang aking ngipin. Nagpapatawa ba siya? Mas marami siya kaysa sa amin. Isa pa, parehas kaming hindi makakagamit ng ability ni Clyde kaya hindi patas ang laban.

Agad silang sumugod sa amin. Ang dalawang Ross ay tumapat kay Clyde habang ang natirang dalawang Ross naman ay sa 'kin. Hinanda ko ang espada nang sabay silang sumugod. Parehas nilang tinapat ang kanilang kamay sa 'kin. At may tumungo sa akin na mga halamang may tinik.

Mabilis ko iwinasiwas ang espada bago pa umabot sa akin ang mga halaman. Kasunod ay tumakbo ako patungo sa kanila at 'di na nag-aksaya ng panahon. Agad kong itinurok sa dibdib ng isang Ross ang espada at tuluyan na itong naglaho. Muli pang titira ang isang Ross nang unahan ko na siya. Tulad ng isang clone ay agad din itong naglaho.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon