Chapter 57: Sunset

5.8K 384 224
                                    

Author's Note: Medyo sabaw ang ud. Pero happy reading pa rin 😂

Chapter 57: Sunset

"Wait!" tawag ni Amethyst. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang hulihin niya ang braso ko. Nadiin pa ang mahaba nitong kuko sa balat ko na nagpatigil sa akin. Hinarap ko siya sabay alis ng kamay niya sa braso ko.

"I want to say something," muli niyang sabi.

"At ano naman 'yon?"

"It's so rude of you, kung 'di mo man lang ako papasukin."

Malapad akong ngumiti. "But you're not welcome here. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na rito."

"Fine!" naiinis niyang sambit.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Walang pa ring pinagbago si Amethyst. Humaba lang ang buhok nito pero gano'n pa rin ang ugali niya. Parang hindi nadala sa paglason sa kanya ni Isla noon.

"Layuan mo ang fiance ko. Layuan mo si Clyde. Siguro naman bilang empress, marunong ka kung saan lumugar."

Tumaas ang sulok ng labi ko. Nandito siya dahil natatakot na baka hindi matuloy ang kasal nila Clyde. "Then, sabihin mo 'yan sa fiance mo. Simula kasi nang dumating ako walang ginawa kundi dikit nang dikit."

Iniwanan ko siya sa labas at dumiretso sa silid. Umaga pa lang pero stress na ko. Napahawak ako sa sentido ko. Sabay pa talaga silang dumalaw ni Godric at Amethyst. Tsk!

---

Nandito kami sa Setra, kanya-kanya kaming bigay nila Ivor at ng magkapatid ng mga relief. Hindi ko na rin maaninagan ang tatlo, malamang naglibot-libot habang nagpapamigay.

Nakakatuwa lang na maraming bata nakapila, maliban sa mga prutas ay nagpapamigay rin ako ng sweets.

Nagawi ang tingin ko sa humawak ng laylayan ng damit ko. Isang batang babae na nasa tingin ko anim na taong gulang. Pumantay ako sa kanya at ngumiti. "Bakit?"

Pinakita niya sa akin ang hawak niyang lollipop. "Paano po buksan 'to?" tanong niya.

Ginulo ko ang buhok niya. Naalala ko nga pala na walang ganito sa Astria kaya bago lang sa kanila ang makakita ng lollipop.

Kumuha ako ng lollipop sa bulsa at binuksan sa harap niya. Habang binubuksan ay ginagaya niya ang ginagawa ko. Pagkatapos ay sinubo ko ito. Napangiti ako na sinubo rin ng batang babae ang lollipop.

Binigyan niya ako ng matamis ng ngiti. "Ang sarap po, salamat po ate!" Kasunod nang pag-alis niya.

"Bakit wala ako?" Tumayo ako at humarap sa nagsalita. Napataas ang kilay ko kay Clyde.

"Hindi ka na bata."

Humakbang siya papalapit sa akin na ikinunot ng noo ko.

"But I can be your baby." Aangal pa sana ako nang samantalahin niya ang pagbukas ng bibig ko saka niya hinablot ang lollipop na subo-subo ko at walang pag-aalinlangan na sinubo iyon.

"Hmm... Masarap nga." Matamis siyang ngumiti na nakalagay ang lollipop sa may gilid ng bibig niya at ibinulsa ang kamay sa kanyang pantalon saka umalis.

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa kinikilos niya. Pero napangiti na lang ako nang makita siyang ngumiti. Simula nang dumating ako, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Ang totoong ngiti ni Clyde.

"Beshie!" tawag sa akin ni Marydale kasama si Ethan at Ivor at mukhang tapos na sila sa pamimigay dahil nakatiklop na ang supot na hawak nila.

"Tapos na kami sa pinapagawa mo, kamahalan. Pwede bang ilibot mo naman kami rito?" tanong ni Ivor.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon