Chapter 66: Finale

6.7K 379 180
                                    

Chapter 66: Finale

Tatlong araw na ang nakakalipas nang matapos ang kaguluhan sa Astria. Medyo magulo pa ang paligid pero bawat isa ay nagtutulungan para mapaayos ang mga nasira.

Nakakulong na rin si Amethyst. Halos mahimatay ang magulang niya nang malaman ang mga masasamang nagawa niya na nagdulot ng kamatayan ng iba.

Gayundin si Ross na nakakulong ngayon. Nang bumisita ako sa kanya ay pilit pa rin siyang nakikiusap na patayin siya. Napailing na lang ako dahil duwag siya katulad ng ama niya. Naalala ko rin ang pakiusap ni Dustin na 'wag patayin ang kapatid niya. Hindi ko nga siya pinatay pero inalis ko ang ability nito. Mas makakabuti 'yon para malaman niya na hindi lang kapangyarihan ang nagiging dahilan kung paano maging masaya.

Nasa balcony ako ngayon at pinagmamasdan ang mga palasyo at mga puno. Dinadamdam ang malakas na hangin na halos tangayin ang ilang hibla ng aking buhok.

"Dadating daw ang tatay mo bukas," papalapit na bungad ni Ivor sa akin. Humawak siya sa railing at tulad ko pinagmasdan ang ganda sa ibaba.

"Handa ka na bang magpaalam?" muling tanong ni Ivor.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit kung makapagsalita ka parang hindi na ko pwedeng bumisita sa Astria?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang, baka hindi ka na makabalik kung sakaling may dumating na problema pa." Ngumisi siya. "Alam mo na, advanced ako mag-isip, kamahalan."

Napabuga ako ng hangin at humarap sa kanya. "Ikaw nga Ivor, umamin ka sa akin. Ano pa ang mga lihim—"

Hinuli niya ang mga titig ko. "Na may crush ako sa'yo." Napairap ako na ikinangisi niya. Pumantay siya sa akin at pinitik ang noo ko. "Pero 'wag mong damdamin. Mabilis lang 'to mawawala. Hindi ka naman gano'n kagandahan."

Umismid ako. "Kapal, akala mo naman kung sinong gwapo." At si Ivor, malakas na napahalakhak

"Ikaw lang talagang babae na 'di tinatablan na kapogian ko." Muli siyang tumingin sa ibaba at sumeryoso ang kanyang mukha. "Pero kamahalan, gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko. Naging makasarili ako. Maraming napahamak at namatay."

Sumagi sa aking isipan lahat nang nagawa niya. Ang hindi pagsabi sa akin no'n kung nasaan si Isla. Pilit niya kong pinapaalis para iwanan na ang Astria. Pero pumasok din sa isipan ko lahat ng kabutihan na nagawa niya.

Tipid akong ngumiti at ipinatong ang kamay sa kamay niya na nasa railing. "Pinagsisihan mo naman 'di ba? Pwede pa kitang bigyan ng isang pagkakataon para bumawi. Ikaw pa rin ang gusto kong gawin kanang kamay."

Ngumiti siya pabalik. "Para mas lalo akong makabawi sa'yo. Hindi ako ang nagligtas sa'yo no'n."

"Alam ko." Naguguluhan siyang tumingin sa akin, para bang tinatanong niya kung paano ko nalaman. "Hindi ka marunong magsinungaling."

Ginulo niya ang buhok niya at napabuga ng hangin. "Nang panahon na 'yon, naiinis ako sa'yo dahil puro na lang Astria ang iniisip mo. Kaso hindi pa rin kita natiis at pumunta ro'n. Nahuli na nga lang ako ng dating dahil may nagligtas na sa'yo. Binigay ka niya sa akin at sinabi na sabihin ko raw na ako ang nagligtas sa'yo. Siya rin ang nag-utos sa 'kin na pilitin kitang umuwi na sa Marren."

Unti-unti napawi ang ngiti ko sa paliwanag ni Ivor. "Bakit daw?"

"Baka kasi akala niya unrequited love." Sa sagot niya bigla ko siyang binatukan sa ulo.

Humawak siya sa ulo niya. "Kamahalan, masakit 'yon ah! Ipaliwanag mo kasi na hindi unrequ—"

Muli ko siyang babatukan nang hulihin niya ang pulsuhan ko. "Puntahan mo na siya, kapag tinanggihan ka niya, pakisabi na hindi ko na ititigil ang pagka-crush sa'yo," ngising sabi niya.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon