Chapter 11: The Royalty Parade

10.1K 536 22
                                    

Chapter 11: The Royalty Parade

"Kumusta ang pakikisalamuha sa mga konseho?" tanong ni Captain habang nagprapraktis kami sa training room ng prinsipe, pinagpapatuloy pa rin namin 'to tuwing Sabado.

"Mayroong iba na nakuha ko ang loob at marami pa rin mahirap pakisamahan," sagot ko habang nagstre-stretching.

Tulad na lang ni Lady Margaret at Duke Odin, feeling ko lahat ng ginagawa ko, mali para sa kanila. Buti na lang at kasama ko na ang mga Zedler kapag may pagtitipon na magaganap.

Natigil ang pagprapraktis namin nang dumating si Clyde.

"Maghanda kayo, nagpatawag ng meeting ang hari," seryosong sabi niya.

---

Sa loob ng meeting room ng palasyo ng hari, may nakaupong mga nasa dalawampung katao sa tapat ng mahabang mesa, habang ang hari naman ay nakaupo sa pinakadulo.

Tumikhim ang hari matapos ilibot ang tingin sa buong silid. "Pinatawag ko kayo upang pag-usapan ang royalty parade. At sa taong ito, sa Astria gaganapin." Napuno ng bulungan ang silid sa sinabi ni Godric.

Ang Royalty Parade ay ginaganap bawat taon. Kasama rito ang iba't ibang kaharian at imperyo sa kanlurang bahagi. Nabibilang dito ang kaharian ng Edovia, Jerrinor, Vaetus at imperyo ng Groca at Caidal. Sa mga nakaraang taon, pumupunta sa ibang kaharian ang ibang royalty upang sumama sa gagawing parada. Ngunit ngayon sa Astria mismo ito gaganapin.

"I want to make this parade unforgettable. Gusto kong maging engrande ito sa harap ng maraming tao. Kaya naisipan ko na kakaibang karwahe ang sasakyan natin." Napatingin ako kina Dustin at Clyde pero base sa ekspresyon nila, mukhang hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng hari. 

Ngumisi ang hari. "Ang karwaheng ito ay bubuhatin ng mga tao. Gusto kong ipakita sa lahat na ako ang nakakataas at makapangyarihan." 

Napasinghap ako sa sinabi ni Godric. Nababaliw na ba siya? Gusto niya talaga ipakita na makapangyarihan siya.

"At sino naman ang magbubuhat?" takang tanong ni Duke Louis, ang duke ng Setran. Himala may pake siya sa Astria.

A loud laugh escaped from the king's throat. "Tinatanong pa ba 'yan, Duke Louis?" pang-aasar na tanong ni Godric. "Malamang kayong mga Setran. Kayo lang naman walang pakinabang sa Astria."

Naikuyom ko ang aking kamay sa galit. Araw-araw nila kaming inaalipin tapos sasabihin niya na walang pakinabang. Hindi maaring gawin nila ito sa kanila. Tatayo sana ako nang mahigpit hinawakan ni Captain ang kamay ko.

"Huwag," mahina subalit may diin na sabi niya. "Kung ayaw mo masira lahat ng plano natin, pigilan mo ang galit mo."

Napabuga na lang ako ng hangin. Tama siya, may panahon para dito.

Napaupo na lang si Duke Louis dahil sa ginawang pagpapahiya sa kanya at muling ipinagpatuloy ni Godric ang plano sa parada.

"Sa royalty parade ay maraming dadating na makapangyarihan. Magsuot kayo na magagarang damit. Ipakita natin na mas mataas tayo sa kanila. Isa pa, ayoko na gagawa kayo ng gulo. Kilala n'yo ko, ayaw na ayaw kong napapahiya," may halong pagbabanta na sabi ni Godric.

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso kami sa palasyo ni Clyde at tumungo sa meeting room nito.

Palakad-lakad ako sa loob ng silid at nag-iisip kung paano patitigilin ang gusto ng hari.

"Pwede ba, tumigil ka muna sa kakalakad mo?" inis na tanong ni Dustin.

"Hindi ba kayo nag-aalala? Hahayaan na lang ba natin sila?" takang tanong ko.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon