Chapter 52: Encounter

5.7K 397 121
                                    

Chapter 52: Encounter

Napainat si Ivor nang makababa kami sa barko. Tatlong araw rin ang lumipas nang makarating kami sa Astria. Agad kong sinuot ang hood ko sa ulo para walang makakilala sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang magreklamo si Ethan na bagalan lang namin ang lakad.

"Tss, bakit kasi ang dami mong dala?" asar ni Ivor sa kanya.

"Marami kasi ako na dalang importante."

"Ano ba ang mga dala mo?" tanong ko.

Huminto si Ethan sa paglalakad at nilapag ang malaki niyang back-pack sa semento saka binuksan ito—inisa-isa niya ang bawat laman ng bulsa. 'Yong totoo, mas pinaghandaan pa ni Ethan ang pagpunta sa Astria kaysa sa akin.

Napahikab na lang si Ivor at umakbay sa akin. Hindi pinansin si Ethan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagsasabi ng dala niya.

"Nakikita mo ba 'yung malalaking ibon sa taas, kamahalan?" tanong niya sa akin habang turo-turo ang vulture na lumilipad sa taas.

Tumango ako. Ano naman meron do'n?

"Good. Mas malaki ang ibon ko diyan."

Ha? May alaga ba siyang ibon? Ngumisi ito sabay taas-baba ng kanyang kilay habang nakatingin sa ibabang bahagi niya. Doon ko lang naisip na may iba pala itong tinutukoy.

Sa inis ko tinuhod ko ang pinakaiingatan niya at iniwanan siya do'n na namimilipit.

Haist! Wala man lang matino ang pinasama sa akin ni dad.

Napansin ko rin na nakasunod na sa akin si Ethan—mukhang tapos na siya sa pagbabalik ng gamit niya.

"Anong nangyari do'n?" takang tanong niya.

"Pinatay ko lang naman 'yung alaga niyang ibon."

Napahalakhak si Ethan na maintindihan na ang nangyari. "Buti nga sa'yo," inis ni Ethan kay Ivor.

Lumapit na sa amin si Ivor na nakalamukos ang mukha.

"Palagi mo na lang ako sinasaktan," seryosong sabi ni Ivor sa akin.

"Dahil deserve mo!" muling asar ni Ethan.

"Namumuro ka na, pandak," inis na sabi ni Ivor at nagsusuntukan na naman sila.

Napatigil na lang ako sa paglalakad na bumungad sa akin ang Saffron—kung saan ang port terminal sa Astria. Tumigil din sa asaran ang dalawa nang makita ito.

Sobrang gulo ng paligid. Sira-sira ang mga bahay. Maraming tao na nagugutom na humihingi ng limos kung sinuman ang dumaan. Maraming batang umiiyak. Mga matatanda na nanghihina. Mga taong may sakit.

Anong nangyayari sa Saffron? Isa sa kilala na pinakamayaman na distrito ang Saffron sa buong Astria at ang makita silang ganito ay nakakapanibago.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang pumunta sa Saffron dahil sa mga imbensyon nila. Pero bakit naging ganito?

Nagawi ang atensyon namin sa sigaw galing sa kawal. Galit na galit ito sa matandang lalaki. Ang mga tao naman na nasa paligid ay nagsitago sa mga bangketa na halatang natatakot sa kawal. Ang iba naman ay pinagsasara ang mga pinto at bintana ng kanilang bahay.

Nakikipag-agawan ang kawal sa dalang sako ng matandang lalaki. Marahas hinila ito ng kawal kaya nagkalaglag ang mga laman nito⁠—iba't ibang klase ng piyesa na sa tingin ko gagamitin sa pag-iimbento. Bakit pinipigilan ito ng kawal? Trabaho ng mga Saffronians ang gano'ng uri ng trabaho. Walang masama ro'n!

Nang makita ng kawal ang laman ng sako may hinugot siya mula sa kanyang bulsa—isang baril. Dito naging alerto ako. Tutungo na sana ako nang hawakan ako sa braso ni Ethan at saka siya umiling. Nakita ko na lamang na si Ivor ang pumigil sa kawal at sinuntok na walang tigil.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon