(Unedited)
Chapter 39: Pain
Clyde's Point of View
Gano'n lamang ang panlalaki ng mata ko nang sumalo sa 'min ang slide na gawa sa yelo saka kami dumausdos pababa. Napapunas ako ng pawis sa noo. Should I celebrate? I literally survived.
Napaangat ako ng tingin at makikitang nagmamadaling sumunod ang mga kawal. Ngunit itinutok ni Via ang kanyang palad sa bintana at natakpan ito nang makapal na yelo. Pero kilala ko si Dad, hindi niya ko ipababantay sa kawal nang basta-basta. Kaya hindi na rin nakagugulat na masira nila agad ito. Then, Via grabbed me by the hand and started running.
"Did you do that?" I asked.
"yep, meron akong ice ability."
Patuloy kami sa pagtakbo nang muling tinapat ni Via ang kanyang palad sa kanilang dinadaanan. Nagkaroon ito ng yelo kaya nadulas ang mga ito. Dahil dito naging malayo ang agwat namin. Kung meron lamang ako ability, pwede ko pa siyang tulungan.
Kumaliwa kami sa isang madilim na eskinita. "Naligaw na ba natin sila?" hinihingal niyang tanong.
Sinilip ko ang likod namin at hindi ko na sila maaninagan. "I guess."
Nagpatuloy kami sa pagtakbo at kung saan-saan niya ko nilulusot na eskinita hanggang sa bumungad sa akin ang bakanteng lote.
Naestatwa na lamang ako habang nakabukas ang aking bibig. Lahat ng pagod ko ay nawala nang makita ang malaparaisong lugar. Punong-puno ito ng mga iba't ibang klaseng halaman na para bang nagsasayaw sa paligid dahil sa malakas na hangin. Walang katao-tao at tanging huni lamang ng ibon ang aking naririnig.
Hindi ko alam kung ano bang dapat gawin. Ganito ba? Ganito ba ang nasa labas ng palasyo?
Masayang kinuha ni Via ang kamay ko at tumakbo sa gitna nang mala-paraisong lugar na to. Malapad akong napangiti. Ganito pala kapag malaya. Takbo lang kami nang takbo na parang walang inaalalang suliranin. Hanggang sa napahiga kami sa makapal na damuhan.
Via looked at me and laughed. It was hard for me to hold my laughter as well. I don't want this day to end. Gusto ko dito na lang ako.
Later on, I closed my eyes and asked myself. Can I have my own freedom?
When I opened my eyes, I was surprised to see her. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko. But, I was mesmerized looking into her beautiful blue eyes.
Why do I have such a weird feeling when I'm with her?
Lumayo ang distansya niya sa akin at napakamot ng ulo. "Akala ko tulog ka na, gigisingin sana kita. Naalala ko kasi na may pista sa bayan sa Setra, baka gusto mong makita."
Napaupo ako sa sinabi ni Via. Halos sa mga naririnig ko ay masaya ang pista kaso hindi ako pinapahintulutan ni dad kaya hindi ko alam kung ano talaga meron doon.
Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa kanya. "Tara?" tanong ko kasunod nang pag-abot niya sa kamay ko.
Dinala niya ko sa bayan. Iba't ibang kulay na banderitas ang bumungad sa 'min. Maraming lobo at mga palaro ang nakakalat sa paligid. Maririnig ang masasayang kwentuhan at halakhak. Hindi rin maakila ang mabangong amoy mula sa mga nilulutong pagkain. Biglang kumulo ang sikmura ko at ang kasama ko naman ay halos magningning ang mga mata nang masilayan ang matatamis na pagkain.
"Tiis lang, Via. Wala kang pambili," mahinang sambit ni Via na tila kinakausap ang kanyang sarili.
Malakas akong napahalakhak at napilitang huminto nang umikot ang itim na bilog sa kanyang mata. Kahit gustuhin ko mang bumili, hindi ako nakapagdala ng salapi.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...