Warning! This chapter deals with violence. It may be upsetting from some readers. Reader discretion is advised.
Chapter 34: Traitor
"You look pale," sabi ng isang katabi ko. Bumaling ako sa kanya at umismid nang makilala ito. Si Sullivan. Mabuti't buhay pa siya matapos siyang pakainin ni Clyde ng buhangin sa battle.
"Hi, Princess Celestine," masayang bati niya sabay kaway.
Pero hindi ko siya pinansin. Paano niya nagagawa maging masaya habang nanonood ng ganitong laban?
"What's with the face? Dapat nga maging masaya ka kasi pinaparusahan na ng hari ang mga Setran na hindi nagbabayad ng tax."
Napakunot ang noo ko sa sinambit niya. Naglalaban sila kapalit ng buhay nila dahil lang sa hindi pagbayad ng tax. Nababaliw na ba sila?
"You mean, utos ito ng hari?"
"Yes, malaki kasi ang utang nila sa hari, buti nga pinagbigyan sila patakasin kung mananalo sila sa laban."
Laban sa kapwa Setran. Nagngitngit ang aking mga ngipin. Ngayon mas naiintindihan ko na kung anong klaseng laban ito. Nagpapatayan ang mga Setran para maligtas ang pamilya nila. Buhay sa buhay ang labanan. Kapag nanalo ka, maliligtas ang pamilya mo at kapag natalo ka... Pamilya mo ang papatayin. Buhay ng bawat isa ang nakataya dahil lang sa tax.
May lumabas na mga kawal mula sa magkabilang dulo ng arena. Sa kanan kasama nito ang tatlo na bata na tingin ko ay nasa edad lima hanggang sampu at isang lalaki na parang nasa forties, mukhang tatay nila ito. Sa kaliwa naman ay isang bata na parang na sa pitong taong gulang. Paglapit nila ay mas naanigan ko ang bawat isa. Nagawi muli ang tingin ko sa bata sa kaliwa na walang kasama, pamilyar sa akin ang mukha ng bata. Tama, siya yung nanood sa parada. Si Elise.
Kumuha ng isang espada ang lalaki na nakalagay sa gilid, sa kabila naman ay nanginginig na kumukuha si Elise ng dagger. At sabay silang umakyat ng stage.
Paglalabanin talaga nila ang bata sa matanda.
Imbes makarinig ako ng pagrereklamo sa mga manonood ay mas lalo pa silang nagsisigaw ng kanilang mga pambato. Anong klase silang nilalang? Bakit sa halip na patigilin nila ang ganitong laban ay mas natutuwa pa sila?
"Pustahan tayo, sino pambato mo?" tanong sa akin ni Sullivan. Halos umabot hanggang tenga ang ngiti nito.
"Halata naman kung sino ang mananalo sa laban." Napapailing siya sa sinabi ko.
"Don't judge too quickly, kanina nga ganyan din ang labanan. Bata laban sa matanda, pero bata ang nanalo. So, sino sa'yo?" Binaling ko na lang ang tingin ko sa stage at hindi ko na lamang siya pinansin. Kahit ano pa sabihin niya, dehado ang bata dito. Sa kilos pa lang ni Elise, sa paghawak ng dagger, halatang wala siyang alam sa pakikipaglaban.
"Killjoy ka talaga," inis na sabi niya at bumaling sa iba niyang katabi upang doon makipagpustahan.
Tinaas ng referee ang kamay nito at sumigaw ng 'go'. Saktong pagsigaw ng referee ay mabilis na sumugod ang lalaki kay Elise.
"Patawad Elise, para 'to sa mga anak ko!" malungkot na sabi nito. Itatama niya na ito kay Elise, nang may humarang sa gitna nila. Kaya imbes tumama ito sa katawan ng bata ay tumama ito sa harang.
Gulat ang mga manonood sa nangyari. Napuno nang bulungan ang arena. Malamang ay nagtataka kung sino ang gumawa ng harang.
Tsk! Walang silang kaalam-alam na ako gumawa ng harang, Ginamit ko ang ice ability ko para dito.
Agad akong pumunta ng stage at tumungo kay Elise.
Lumebel ako sa kanya. "Nasaktan ka ba?" alalang tanong ko habang tinitingan kung may natamo siyang sugat. Umiling si Elise at saka umiiyak kaya niyakap ko ang bata at pinapatahan. Pagkatapos ay tumayo ako at nilagay siya sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantastik✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...