Chapter 14: Training

9.4K 558 143
                                    

Chapter 14: Training

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya. Napagulo ako ng buhok ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Ilang oras na 'kong 'di mapakali sa kama, hindi makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay bigla ko na lang siya nakikita.

Napabalikwas ako nang may kumatok. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nagulat sa nakita. Si Dustin na ayos na ayos, mukhang maganda ang gising nito. Sa gulat ay bigla kong sinarado ang pinto.

Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan. Shit! Alas-siyete na ng umaga. Dali-dali akong  pumunta sa banyo at nanalamin, makikita na mukha akong sabog.  Magulo ang buhok at ang laki ng eyebags. Nagmadali akong mag-ayos at muling binuksan ang pinto.

"Ano kailangan mo?" tanong ko kay Dustin.

"Magtrai-training tayo," mahinahon na sabi nito. 

Ano bang nakain nito at mukhang maganda ang mood niya. Parang wala lang ang nangyari sa kanya kahapon. Hindi niya ba alam na nakakainis siya, Avianna ang pangalan ko pero Celestine ang sinabi niya. Kainis, bakit ba ko nagtatampo? E, nasa rules 'yon na kapag nasa palasyo, Celestine ang tawag sa 'kin.

Sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko man lang namalayan na nahatak niya na 'ko hanggang sa training room.

"Dapat maging masaya ka," sabi nito. Tiningnan ko ito naguguluhan. Ano ba dapat ang ikatuwa ko? Tuwing naalala ko ang nangyari kahapon ay naiinis ako. Huminga ako nang malalim. Hay, bakit ko ba 'to nararamdaman? 

"Hahasain na natin ang ice ability mo." Dahil sa sinabi niya, lahat ng inis ko ay naglaho lang na parang bula. 

"Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

Tumalikod ito at nagulat na lang ako nang maghagis ito sa akin ng fireball.

Nanlaki ang mata ko at hindi agad ako naka-iwas kaya natamaan ang aking braso. Dumaloy ang maraming dugo mula sa natamo kong sugat.

"Gusto mo ba kong patayin?" asik ko sa kanya habang siya, pinaglalaruan lang ang apoy sa kamay nito.

"Akala ko ba gusto mong mahasa ang ice ability mo? Pinagbibigyan na kita." 

Muli naghagis ito ng fireball. Buti na lang kahit papaano ay nakatakbo ako pakaliwa at hindi natamaan.

Fine, gusto mo ng patayan, pagbibigyan kita. Ngumisi ako.

Pinaulanan ko siya ng ice spike, pero mataas siyang nakatalon. Tsk!

"Kailangan mo ng plano, hindi puro tira lang," sermon na naman nito.

Gumawa naman ako ng ice blast ngunit hindi pa ito tumatama sa kanya ay nakagawa na siya ng fireball patungo sa'kin. Dahil sa gulat ay 'di na naman ako agad nakaiwas. Natamaan naman ang kaliwang braso ko.

"Dapat ay maging alisto ka, alam mo dapat ang nangyayari sa paligid mo," sabi nito sabay hagis muli ng fireball. Buti na lamang ay sinunod ko ang payo niya at kahit papaano ay nakaiwas.

"Wala ka na bang alam kundi fireball lang?" Sa halip na mainis ay ngumisi lamang siya.

Nakaramdam ako nang mainit na bagay na mukhang papalapit sa likod ko kaya yumuko ako. Papaanong bumalik ang fireball niya? Hindi pa ko nakakarecover ay muling hinabol ako ng fireball kaya tumakbo ako pero natamaan ako sa binti. Dahil dito ay napasalampak ako sa semento.

Akala ko ay titigil na ang fireball pero nakita ko muli ito sa taas at tutungo sa'kin. Nanlaki ang mata ko. Wala ba siyang balak itigil 'to? Kahit nanghihina ay tinaas ko ang aking kamay at pinilit na gawing yelo ang fireball. Mahirap ito dahil may kalakihan pero nakahinga ako nang maluwag nang magawa ko ito. 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon