Chapter 42: Revelations
Napaupo ako mula sa aking kinahihigaan. Bumalik na ako sa silid kung saan ko kasama si Aling Nena.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng aking luha. Pinilit ko maging matatag para kay lola pero ano 'to? Bakit naman ganito? Lahat ginawa ko para mahanap si lola. Pero huli na pala ang lahat. Muling nagbabagsakan ang luha ko na para bang hindi ito nauubos.
Bigla na lamang bumalik sa akin ang alaala na huli na palang habilin ni lola.
"Lola, wala naman kayong sakit 'di ba?" tanong ko habang nakatingin siya sa labas ng bintana.
"Wala nga apo."
"E, bakit ang tamlay n'yo po?" Niyakap ko siya mula sa likod. "Basta lola kapag may problema, sabihin n'yo sa akin ah. Gagawa ako ng paraan. Marami naman akong raket diyan."
Humarap sa akin si lola at napawi ang ngiti ko nang makitang seryoso siya. "Apo, paano kapag pinatay ako? Ano ang gagawin mo?"
Nagulat ako sa tanong niya. "Lola, bakit naman po ganyan ang tan—"
"Sagutin mo na lang ako, Avianna," seryosong sabi niya.
"Sisiguraduhin ko magbabayad sila. Buhay ang kinuha nila kaya buhay rin ang kapalit par—"
Hinawakan ako ni lola sa balikat. "Ganyan ba ang tinuro ko sa'yo? Ha, Avianna?"
"Hindi po, pero hindi ko kayang mawala kayo. Gagawin ko ang lahat para magbayad ang gagawa nang masama sa 'yo lola."
Huminga siya nang malalim. "Apo, ano ulit ang pilit kong pinapaalala sa'yo?"
Yumuko ako. "Kung ano ang gusto mong gawin sa'yo ng kapwa mo, 'yun din ang gawin mo. Kaya anuman ang mangyari, 'wag akong gaganti. Dahil wala akong pinagkaiba sa kanila."
Napaangat ako ng tingin kasunod nang pagngiti niya. "Tama, kahit anong mangyari, huwag kang gaganti. Hindi dapat sayangin ang buhay na may kinikimkim na galit. Naiintindihan mo ba, Avianna?"
"Opo, lola."
Napatakip ko ang aking braso sa aking mata. Palakas nang palakas ang aking iyak. "L-Lola... A-ang hirap naman na p-pinapagawa mo."
Hindi man lang kita nakita sa huling sandali. Hindi man lang kita naipagtanggol. Naging mahina ako.
"A-Avianna," alalang sabi ni Aling Nena.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit hindi mo siya niligtas? May ability ka naman 'di ba? Pati si lola ba't hindi mo siya pinilit gamitin ang ability niya? B-Bakit hinayaan mo siyang mamatay?!" galit na tanong ko.
Hinawakan ni Aling Nena nang mariin ang nanginginig kong kamay. "K-Kahit gusto kong siyang iligtas ay hindi ko magagawa. Ang pangitain ko... Nakikita ko kayo na sabay mamatay sa iba't ibang oras at lugar. Babala ito sa akin na kahit anong gawin ko ay hindi matitigil ang nakatakda. Hanggang sa nakaisip ang lola mo na hindi matuloy ang pangitain. At iyon ang malayo ka sa kanya para hindi ka mamatay."
"Bakit hindi na lang ako? Kaysa kay lola..." Hinawakan ko ang dibdib ko at paulit-ulit itong pinapalo. "Masakit kasi dito, Aling Nena. Buong buhay ko siya ang tumayong nanay at tatay ko. Kaya ako nandito ngayon ay para sa kanya pero bakit naman ganito?"
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...