Chapter 36: Rescue
Hindi ko na lamang pinansin si Ross habang patuloy akong hinahatak ng mga kawal. Paalis na sana ako nang umilaw ang relos ko.
"Stop!" pagtigil ni Ross sa amin. Lumapit siya sa akin at tumingin kung saan nanggagaling ang tunog.
"Mukhang may tumatawag, hindi mo ba sasagutin?" usisang tanong niya. Napalunok ako. Doon ko lang naalala na hindi ito gumagana kapag nasa loob ako ng kulungan kaya nang lumabas ako at saka ito gumana. Kainis. Kung kailan pa nandito si Ross.
"Paano ko sasagutin kung nakaposas ako?"
Kinuha niya ang pulsuhan ko at may pinindot sa relos.
"Answer it," he mouthed. Napairap ako sa kanya.
I cleared my throat and said hello.
Walang sumasagot sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman.
Pinandilatan ako ng mata ni Ross na para bang kailangan ko ulit magsalita.
Magsasalita muli ako nang may marinig ako sa kabilang linya.
"Avi, party tayo!" Nagulat ako sa sinabi nito. Bakit boses babae? Sino 'to? Nagtataka man ay hindi ko ipinahalata kay Ross.
"Hindi ako pwede," sagot ko na lang.
"Gano'n ba, ngayon ka lang umayaw ah. May problema ka ba sa pera. Pwede kitang pahiramin."
Wala akong naiinitindihan pero sumasakay na lang ako sa usapan namin ng babaeng ito.
"Oo, may malaki akong problema... Problema sa pera." Narinig ko ang malakas nitong pagbuga ng hangin.
"Nasaan ka ba? Puntahan na lang kita."
"Nandito ako sa palasyo ng hari. Pero masyadong busy kasi ako kaya hindi ka pwedeng pumunta." Matapos nitong malaman kung nasaan ako ay nagpaalam na ito.
Hindi ko alam bakit babae ang sumagot pero sana... Sana makuha niya ang gusto ko ipahiwatig.
Agad na binaklas ni Ross ang relos at mabilis na sinira ito.
"You don't need it. You're no longer a princess." Ngisi niya.
Pagkaalis ko sa kulungan, bumaling sa ibang direksyon si Ross habang kami ay tumungo sa court house, malapit sa palasyo ng hari. Nasa labas pa lang ako ay rinig na rinig ko ang ingay ng mga tao. Mukhang nagdala pa sila na magchi-cheer sa akin. Tsk!
Nang bumukas ang pinto, mapapansin na tumahimik ang lahat. Naiba lamang ito nang makita ako, napuno ang galit at hiyawan ng mga tao sa court house.
"Patayin na 'yan! Bago pa siya magdala ng kamalasan sa kaharian!
"Sentence her to death immediately!"
"Give her death!"
Patuloy pa rin kaming naglalakad patungong gitna hanggang sa may naramdaman akong mga tumama sa akin. Sabay-sabay silang naghahagis ng kung ano-ano—itlog, prutas, bato at iba pa. Tila napakalaki nang ginawa kong kasalanan. Kahit maraming nakaharang at nakabantay sa akin na mga kawal, hindi ito naging hadlang para batuhin ako.
Pagdating sa gitna, nilibot ko ang tingin sa buong court house. Halos Aclarian ang mga nandito, hindi na sumama ang ibang distrito dahil sigurado ako na may mas importante pang bagay na kailangan nilang gawin kaysa dito sa paghahatol na ito.
Nagawi ang tingin ko sa harap, sa may entablado. Nandoon lahat ang mga council at hari. Mga nakaupo sa kanila-kanilang pwesto. Masasama ang titig. Hindi sila makapaniwala na nakahubilo sila sa isang tulad ko, sa isang Setran. Halos nakalamukos ang kanilang mukha ang ilan sa kanila dahil naisahan ko sila. Dumako ang tingin ko kay Duchess Clementine, walang mababakas na emosyon dito. Pero alam ko marami na tumatakbo sa isipan niya, kung papayag ba kong ibuwis ang buhay ko o hindi. Mapapansin din na bakante ang katabi nitong upuan marahil wala na si Duke Stephen.
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...