Chapter 9: A Banquet
Matapos ang hamon ko kay Ross ay maraming hindi makapaniwala sa nangyari.
"For the first time, you managed to hit the bull's-eye, huh?" Ross mocked.
"And for the first time, you didn't hit the board." I smirked.
"I was tired," depensa niya.
"O? Totoo ba? O gumagamit ka ng plant manipulation?"
Sumeryoso ang mukha ni Ross parang hindi nagulat sa nalaman ko. "Huwag na tayong maglokohan, alam kong alam mo, ang tanong, may maniniwala ba sa'yo? Ang alam lang nila, kumukontrol ako ng bulaklak at dahon."
Naikuyom ko ang aking kamay. "Hindi pa ba sapat ang nakita nila? Paano kung mag-request ako na maglaro ulit gamit ang metal na bow at arrow? Tatanggapin mo ba?"
Malakas siyang napatawa, halatang hindi makapaniwala sa inaalok ko. "Nakikita mo ba ang paligid mo, Princess Celestine? Nag-uuwian na halos lahat, wala silang pake kung makabull's-eye ka man o hindi. They only care about me, their prince. Wala silang gagawin kahit malaman nila na nandaya ako dahil anak ako ng hari at hawak ko sila sa leeg." Dinuro niya ako sa noo. "Even you. At ilagay mo 'yan sa kokote mo," asar na may halong diin sa boses niya kasunod nang pag-alis nito.
Mas lalong dumiin ang pagkakayukom ng aking kamay habang nanlilisik ang mata sa kanya na naglalakad papalayo. Matapang ka kasi anak ka ng hari. Pero sisiguraduhin ko magbabayad kayong mag-ama sa lahat ng ginawa n'yo.
Lumapit sa akin si Dustin at tumingin kung saan ako nakatingin. "May masama ba siyang sinabi sa'yo?"
Umiiling ako.
Napasinghap ako nang may pumatong na kamay sa ulo ko. "You did a great job!" Napaangat ang tingin ko at nakita si Clyde na nakangiti.
"Hoy prinsipe, mabigat!" Inalis ko ang kamay nito at napansin na may kumapit sa braso ni Clyde para mapalayo sa akin. Si Amethyst.
"Obviously, it was a lucky shot," maarteng sabi ni Amethyst.
Napatawa na lamang ako dahil halatang nagseselos siya sa akin.
---
"Thank you, Prince Clyde," maarteng saad ni Amethyst kasunod nang pagpasok niya sa palasyo. Papasok na rin sana ako nang hulihin ni Clyde ang pulsuhan ko.
"We need to talk," seryoso niyang sabi. Pumunta kami sa garden upang doon mag-usap.
Umupo ako sa bench at tumabi naman si Clyde sa akin habang si Dustin ay nakatayo malayo sa amin upang magbantay.
"Mukhang nakalimutan mo yata ang plano natin," sabi ni Clyde.
"Hindi ko makakalimutan 'yon." Sabay pakita sa kanya ng bracelet.
"Hindi ka ba nagtataka kung ba't kailangan ko na magpapanggap bilang Prinsesa Celestine?" Naisip ko na rin 'yon dati pero ang tanging gusto ko lang ay makalaya kaya hindi ko na ito tinanong. "Si Prinsesa Celestine ang napupusuan ng konseho na hahalili sa aking ama."
Napataas ako ng kilay. "Hindi ba dapat, ikaw?"
Napasandal siya sa upuan at mapait na napangiti. "Sakit ako sa ulo ng bata, Tingin nila, hindi ko kaya pamunuan ang kaharian kaya napunta ang korona kay Godric."
"Pero, kaya napunta ang korona sa hari dahil sa mura mong edad."
"Maraming namumuno sa kaharian sa murang edad. Iyon lang ang sinabi ng konseho dahil ayaw nila ako ang mamuno. At kung nabubuhay pa si Prinsesa Celestine, siya na ang reyna ngayon."
BINABASA MO ANG
Crown of Astria
Fantasy✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek revenge and justice, Prince Clyde Maxfield offers a prisoner named Avianna Elora freedom in exchang...