Chapter 38: Flashback

7.3K 356 62
                                    

Chapter 38: Flashback 

(7 ʏᴇᴀʀꜱ ᴀɢᴏ)

Clyde's Point of View

Everyone hates me.

Palagi na lang ako sa palasyo kasi ayaw ni dad na lumalabas ako. Ayaw niya raw na napapahiya siya ng dahil sa akin.

Tuwing kasi lalabas ako ay palagi akong napapaaway. Blame them. They started it first. Palagi nilang sinasabi na mahina ako, hindi karapat-dapat maging susunod na hari at isang mamatay-tao. Yes, they call me a murderer. Ako kasi ang dahilan kung bakit namatay si mom. Kung hindi ko siya inayang mamasyal noon, hindi kami maaksidente. Hindi ko masisisi si Dad kung bakit sobrang galit siya sa 'kin. I wish my mom was here. But she's gone. No one could love me now.

May narinig akong pagkatok sa pinto ng aking silid. Bubuksan ko na sana ito nang makaramdam ako nang panghihina. Then everything went black.

---

I woke up because of a bright light coming from a window. My eyes roamed around the room. White walls, white blankets, and aseptic smell. I sighed. I'm in hospital, again.

Kung sa palasyo ay nakakalibot ako, dito hindi. Makikipagtitigan lamang ako sa puting kisame hanggang matapos ang pamamalagi ko. And it sucks!

Nagsimula lang ito nang pag-aralan ko ang time ability ko. Dahil sa kagustuhan kong matuto at magamit ito, nahihimatay ako. The doctor said it was deadly for me. Pero gusto ko maging proud si dad kaya pinag-aaralan ko pa rin kahit delikado.

Suddenly, I heard a noise at my window. Tumayo ako sa kinahihigan ko at binuksan 'to. Tumingin ako sa ibaba pero wala namang tao. I shrugged. Maybe I heard the usual creak in this hospital.

Isasara ko na sana ang bintana nang may sumigaw. "Huwag mo munang isasara!" Nagulat ako nang makita ang isang batang babae na may benda sa ulo. Nakatayo ito sa maliit na espasyo malapit sa bintana. Maling galaw lang nito ay pwede siyang mahulog.

"Tabi!" utos niya. I nodded and stepped away from the window. Matapos nito ay maingat siyang pumasok sa silid. Parang baliktad ata, ako ang prinsipe pero siya ang nag-uutos sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko siya sinunod.

"Whew!" sabi niya sabay punas ng pawis sa kanyang noo.

"Salamat ah," masiglang sabi niya at itinaas ang kanyang kamay na gustong makipag-high-five. I didn't bother to respond to her as I was too busy looking at her. Her black hair. Her blue eyes. Bagay na bagay ito sa kanya. Hindi rin siya kulay porselana katulad ng ibang bata pero hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Ngumiti siya. Kinuha niya ang kamay ko at nakipag-apir sa akin. Ramdam ko ang pawis nito sa aking kamay, dapat ay nandidiri na ko dahil hinayaan ko na hawakan ng isang hindi royal. Pero hindi ko magawa, nakakapagtaka na natutuwa pa ako sa ginawa niya.

Umupo siya sa couch kung saan umuupo ang bisita. "Bakit sa kwarto namin walang ganito?" Nilibot pa niya ang tingin sa silid ko. "Mas maganda 'di hamak ang kwarto na 'to kaysa sa amin," naiinggit na sabi niya.

Mapapansin na simple lang ang suot nito. T-shirt at nakapantalon lang ito. Hindi ito nakabestida na karaniwang suot ng babae.

Tumapat ako sa kinauupuan niya. "Bakit saan ka bang silid?" tanong ko.

"Diyan lang sa kabilang kwarto." masayang sambit niya. Ibig sabihin mayaman siya. Ang bawat palapag kasi ay may kaakibat na presyo. Mas mataas ang palapag, mas mahal ang bayad. Pero iba ang silid na 'to dahil para lamang ito sa mga royals na tulad ko.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon