Chapter 58: Chance

5.4K 353 79
                                    

Warning! Unedited. Maraming errors. 

Chapter 58: Chance

"Who's that guy?" basag na tanong ni Clyde matapos ng ilang minutong katahimikan. "Yung dikit nang dikit ba sa'yo?"

Umiling ako at napabuga na lang ng hangin. "Sorry nagsinungaling ako. Hindi talaga ako ikakasal." Ba't ba ang hirap magsinungaling sa kanya.

"Good." Ang bilis magbago ng ekspresyon ni Clyde. Kanina lang parang papatay ng tao, ngayon naman ay ngiting-ngiti—kita ang kanyang mapuputing ngipin.

"Anong nangyari?" muli niyang tanong.

"Ha?"

"Magkwento ka, makikinig ako."

"Ayoko—"

"Ano sinabi ng kasama mo na sakripisyo?" Napatigil ako sa sinambit niya at naguguluhan na tumingin sa kanya.

"Wala lang 'yon. Kalimutan mo na 'yon."

May kinuha siya sa kanyang bulsa—maliit na metal na bilog. Sigurado akong recorder 'yon dahil katulad ito nang ginamit namin no'n kay Ross.

May pinindot siya ro'n at halos manlaki ang mata sa narinig. Ang pinag-uusapan lang naman namin ni Tita Eleonor ang nasa audio kung saan nasabi ko ang lahat. Bakit ngayon ko lang naisip na malamang ay bantay niya ang bawat haligi ng palasyo niya.

Ngumisi siyang tumingin sa akin nang matapos ang audio sa recorder.

"Alam mo naman pala e," inis kong sambit.

"Ngayon ko lang pinakinggan."

"Bakit ngayon lang kung kailan kasama pa ko—"

"Para makasama kita ng matagal," bulong niya na hindi nakawala sa pandinig ko.

Napalunok ako. "I-Ikaw naman? Paanong ikakasal ka na?"

"Iyon talaga ang gusto mong malaman?" Baling niya sa akin.

"Hindi ah, nagtaka lang ako sa sinabi mo sa restaurant."

Lumipat ang tingin niya sa dagat. "Hindi ako ikakasal. Hinayaan ko na lang no'ng kumalat ang isyu."

"Pero bakit sinabi mo kanina?"

"Dahil dumating ka. Bigla akong nagkaroon ng pake sa paligid ko."

Napakurap ako. "Hindi ka man lang ba galit sa akin?"

"How could I? Every moment we shared is vivid to me." Tumingin siya ng diretso sa mata ko. "I always live in your time since then."

"H-Hindi mo lang ba sinubukan na kalimutan ako? Paano kung wala na talaga ako? Paano kung—"

Natahimik ako nang ilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko. "Kahit gaano katagal, kahit walang kasiguraduhan, kaya kong maghintay. I don't have any intentions to giving up, Avianna."

Pero gusto ko na sumuko siya dahil wala akong magandang naidudulot sa kanya. Kung meron mang kahinaan si Clyde ay 'yung pagkontrol ng emosyon niya pagdating sa akin. Nawawala lahat ng plano niya kapag kasama ako sa sitwasyon. Lahat kaya niyang ibuwis nang hindi pinag-iisipan para sa akin na ayokong gawin niya. Tama si Dustin, nagiging mahina siya 'pag lumalapit ako kay Clyde. 

Natauhan ako at kusang tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Baka hinahanap na ko ng kaibigan ko."

Tumayo rin siya at hinuli ang pulsuhan ko. "Wala na ba kong pag-asa?"

"Sorry..." Inalis ko ang pagkakahawak niya saka umalis. 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon