Epilogue

8.9K 444 187
                                    

Epilogue

(4 years later)

"Your highness, sa Martes, 9 PM ay tuloy po ang fundraising event. Naimbitahan na rin po namin ang mga nasa list na binigay n'yo," paalala ng secretary ko habang naglalakad ako patungong library.

"Thank you."

"Nasa library din po pala si Miss Marydale, naghihintay po siya sa inyo." Tumango na lang ako at umalis na ang secretary ko habang ako dumiretso sa silid.

"Ash! Na-miss kita!" masayang bungad ni Marydale sa'kin matapos kong buksan ang pinto. Mabilis siyang tumakbo kahit nakatakong pa siya at mahigpit akong niyakap.

Nang makawala ako sa yakap niya ay hindi ko maiwasang mamangha kay Marydale. Nakasuot ito ng sunglasses na pinartneran ng pulang jumpsuit. Bagay na bagay ang natural niyang blonde na buhok. Halatang pagkauwi sa Marren ay dito siya dumiretso dahil dala niya pa ang kanyang maleta.

Isa na kasi siya ngayong fashion designer at kung saan-saan siya napunta dahil puro hari at reyna ang nagpapadesign sa kanya ng mga damit. Sinong mag-aakala na magiging fashion designer si Marydale? Dati kasi ay wala siyang kaalam-alam sa fashion. Hanggang sa nalaman ko na mahilig siyang magtahi ng mga damit at isa 'yon sa pangarap niya kaya nagsumikap siya para maabot kung anuman ang narating niya ngayon.

Hindi ko maiwasang maging proud sa bestfriend ko.

"Anong meron?" wala kong ekspresyong tanong kay Marydale.

Tinaasan niya ko ng isang kilay. "Ibubungad mo sa 'kin 'yang pagka-cold mo, ha? Empress Ash? Matapos mo kong imbitahan," diin na sabi niya kasunod nang paglabas ng kulay asul na invitation card.

Napatawa ako sa inasta niya. "Hindi ka na mabiro. Syempre, kumusta na ang bestfriend ko?"

Lumapad ang ngiti niya at hinaklit ang braso ko. "'Pag talaga about sa fundraising mo, saka ka lang ngumingiti. Okay lang ako. Pero kumusta ka na? 'Di ka ba na-i-i-stress man lang?

"It's obvious, Marydale, stress ako. Hindi naman mawawala 'yon pero masaya ako sa ginagawa ko."

At tumagal ang kwentuhan namin, sinamantala ang ilang buwan na hindi kami magkasama.

---

Fundraising Event

"This is wonderful," masayang sabi ni Mrs. Windor—isa sa mga nag-donate sa event. Mangha niyang pinagmamasdan ang buong hall. Agaw-pansin kasi ang mga naglalakihang chandelier. Gayundin ang mga painting, vase, mga damit na naka-display sa gilid na gagamitin para sa auction. "Para 'to sa mga bata sa charity, right?"

Ngumiti ako. "Yes, Mrs. Windsor. Talagang pinursige ko 'to para sa kanila, gusto ko kahit mahirap lamang ay magamit nila ang edukasyon para maabot ang pangarap nila."

Marahan siyang tumawa. "Nainggit tuloy ako. You're young but you're amazing."

"Kayo rin po. We're here for one purpose. And thank you for your support of this event."

"No problem, hija."

Nagsimula akong maglibot sa hall, halos lahat ay magagara ang kasuotan. Habang ako simpleng dress na kulay champagne na abot hanggang talampakan.

Nadako ang tingin ko sa mga naka-frame na painting na halos agaw-pansin sa mga bisita. Ang design ng painting ay sunflower na nakalagay sa vase habang may katabing espada sa mesa. Simple lang 'to pero ang ganda nang pagkakakulay na para bang may iba pang kahulugan ang painting. Nakakamangha rin ito dahil kusang binigay ito ng libre. Yes, pinaabot raw siya ng artist kay Mrs. Windsor ng libre para makatulong sa charity.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon