Chapter 65: Reinforcement (Part II)

4.7K 342 58
                                    

Another update!

Chapter 65: Reinforcement (Part II)

Third-Person Point of View

(20 years ago)

"Ano 'yan?" nakatingkayad na tanong ni Leigh kay Godric para makita ang inaasikaso ng kaibigan. Nasa isa silang silid sila na puro kemikal ang mesa nakalagay. Naka-lab glasses si Godric habang pinag-eeksperimentuhan ang mga kemikal na nabili niya sa Cassia.

"Para mahanap ko kung nasaan ang libro," ngiti niya na labas ang kanyang kulang-kulang na ngipin sa unahan.

"Libro na naman. Psh!" ngusong sabi ni Leigh.

May kinuha si Godric na isang maliit na kapirasong papel mula sa Hidden Dimension. "Binigay sa 'kin 'to ni mama. Sa oras na umilaw ito, malapit lang ang libro." May kinuha siyang bote na may lamang kemikal at binuhos sa papel. Imbes mabasa ay naging metal ang papel. "See? Nagawa ko siya Leigh. Kaunti na lang maiaahon ko na sa hirap si mama, magiging mayaman na kami."

Masayang tumango si Leigh.

Natuon ang tingin nila sa kaklase nilang mga lalaki na malalakas tumawa papalapit sa kanila. "Nandito na naman sila," sabi ng isang binatang lalaki.

Lumapit sila sa dalawa at saka isa-isa binabagsak ang boteng kemikal na natipon ni Godric ng ilang araw. Napasinghap ang dalawang magkaibigan sa ginawa ng mga kaklase nila.

"Tigilan n'yo nga 'yan!" matapang na saad ni Leigh.

"Aba, matapang. E, Setran ka lang naman." Dumako ang tingin nila kay Ric. "At isang Aclarian na may walang kwentang ability." Napayuko si Godric. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang maging makapangyarihan dahil tanging pagbuhay ng patay na halaman lang ang kaya niyang gawin.

"Mga parehas na walang kwenta," sabi naman ng isa at tawanan nila.

Naikuyom ni Godric ang kamao niya.

"Wala kayong laban sa amin," muling tukso nila.

Napansin ni Leigh ang pamumula ng mukha ni Godric na para bang anumang oras ay manununtok ito at 'pag nangyari 'yon siguradong lagot sila dahil mayayaman ang mga nantutukso sa kanila. Ayaw niyang mapahamak ang kaibigan.

Kinuha ni Leigh ang bote sa mesa at mabilis na hinampas sa isang nantutukso sa kanila. Nawalan ng malay ang isa at napaatras naman ang iba sa gulat sa nangyari.

Nilagay ni Leigh ang kanyang kamay sa magkabilang baywang at tinaasan sila ng isang kilay. "Wala pa kong ability 'yan pero mabilis kong naipukpok sa mahina niyang kokote ang bote."

Mababakas sa mga mata ng mga lalaki ang galit sa kanilang mga mata. Mukhang gagamit sila ng ability laban sa kanila ni Godric at siguradong wala silang laban do'n.

"Leigh?" takang tanong ni Godric. Nagsimula silang habulin ng mga nanunukso sa kanila kaya, agad na kinuha ni Leigh ang kamay nito saka mabilis tumakbo para tumakas.

Nang makahanap ng matataguan sa liblib na lugar ay nakahinga nang maluwag si Leigh. Napahawak pa siya sa dibdib niya sa sobrang pagod.

"Pwede ba bitiwan mo ko!" Sabay tulak ni Godric kay Leigh.

Napakunot-noo si Leigh. "Ric, anong problema?"

"Hindi mo ba nakita? Mahina tayo sa mata nila. At lalong nakakainis na mas inaaway ako kasi may kasama akong Setran."

---

Dumating ang araw na umilaw ang ang kapirasong papel ni Godric na ginawa niyang metal. Naglakad siya at sinusundan ang aura ng libro. Lalo siyang napangiti na lalong nagbigay na nakakasilaw na liwanag ang papel. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa napahinto siya sa maliit na bahay. Napaangat ang tingin at tumagal ang titig sa pamilyar na bahay. 'Bahay 'to nila Leigh ah.'

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon