Chapter 15: Rant with Tears

140 11 11
                                    

Napabuntong hininga na lang ako, kung side ni Papa ang kaharap ko ngayon malamang mukha akong pulubi sa damit tapos mag wwrestling kami o di kaya maligo sa ulan at kung ano pang kagaguhan ang gagawin namin.

"Euphrasia"tawag ni Tita ma-attitude 1.

"Yes po?"

Ibinaba niya ang kutsara niya at pinagsiklop ang mga kamay niya sabay patong ng siko niya sa lamesa at di kalaunay ipinatong ang baba.

Wala na, lalaitin nanaman ako nito. Si Mama hindi na nagtatangkang pagtakpan ako rito Kasi pati siya kauri nila but don't get me wrong i love my mother, si Papa naman hindi na kumokontra kasi ako rin ang nagsabi na huwag na siyang kumontra para sa akin kasi masyado silang mapapel na akala mo sila nagluwal sa akin. Ang mga Kuya ko naman nananahimik lang dahil kung pumapatol sila para sa akin agad silang sinasabihan nina Tita ng 'walang respeto' sabay atake kina Mama at Papa, kaya in the end I told them na huwag na akong ipaglaban.

"I saw your grades"panimula niya kaya agad akong napakagat sa ibabang labi. Nakatingin na sa akin lahat kaya ibinaba ko ang kamay ko dahil nanginginig na sa takot.

Malamang may mata ka.

"O-opo"

"You have a dos...."napatango naman ako, alangan humindi ako eh nakita na.

"And sa math pa"dahan dahan ang pananalita ni Tita kaya mukhang lintik to the highest level ako rito.

"A-ah k-kasi.."

"Don't use any reasons...."putol niya sa sasabihin ko kaya napatango ako...
"And you know that a dos isn't qualified on us. It should be uno as always..."

"Malamang may boyfriend na iyan kaya napapabayaan ang pagaaral"pagpaparinig ni Tita ma-attitude 3.

"W-wala akong b-boyfriend"halos pabulong na lang ang sagot ko dahil alam kong walang may makikinig sa akin and it's hellish frustratingly knowing that they won't accept any words from me, gusto nila sila lang ang maririnig.

Sarkastikong napatawa si Tita ma-attitude 5,"You're always with a guy and it's a Maynard.... Disenuebe kaming lahat, your age, wala kaming kung anong relasyon maliban sa Pamilya, Kaibigan at mga Libro kaya here we are, we are all successful"

Tumango na lang ako. Nakakawalang gana.

Dinamay pa nila sa babaklitang Loki na nanahimik sa loob ng kuweba na Puno ng perlas ng silanganan.

"And I even heard your mother saying that you're playing District Survival i don't care... Geez, hindi ka kasing galing ng mga Kuya mo"

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangang maging sila Kuya ako"I whispered, siniguradong walang may maririnig ni sino man sakanila.

"Ayos lang sana kung wala kang dos eh, go on and play pero may dos ka. Mga Kuya mo uno lahat ng grado, 98 palagi ang grades kahit na naglalaro, kahit may Tournament sa America ang grado sobrang taas parin. Kahit kailan walang Dos ang mga Kuya mo o kung sino man sa amin or sa mga Pinsan mo"

"Ma pakainin mo muna"awat ni Ate Dritis.

"No, don't tell me anything Dri"napairap na lang si Ate Dritis.

"So when do you plan to ruin your life?"tanong ni Tita, I was caught off guard.

"Hindi lang po dahil may isang dos ako sisirain ko na ang buhay ko"hindi ko na mapigilang sumagot. Sobra na eh, napailing na lang si Mama malamang kampi nanaman siya sa mga kapatid niya. Si Papa halatang gusto ng sumagot, my brother's even looked at me worriedly.

Tumaas ang mga kilay nila.

"Now your talking"

"And you dared to talked back"

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now