Vallerin Aexl Veneracion
Paguwi ko sa boothcamp agad na nagsalubong ang kilay ko nang makitang ngiting ngiti na sina Chevi at Lath, kanina kasi pagalis ko papunta sa kabilang bahay salubong na salubong ang kilay nilang dalawa dahil napikon kung ano raw ang sagot sa two plus two ni Mayux, eh Four kay Lath tapos kay Chevi Lapu-Lapu raw.
Pagkakita niya sa akin agad na sumigaw si Chevi na akala mo sinilaban ang pwetan.
"SI ATE!"sigaw niya kaya agad akong napalinga pero napatigil rin ng may bumatok sa akin.
"Wala rito"sagot ni Boss Eiko at naglakad papunta sa taas. Andun ang mga baby nila natutulog.
"Kanina! Andito siya!"sigaw ni Chevi hanggang sa nagkwento na nga rin siya. Napailing na lang ako, halos isang taon hindi kami nagkausap ni text man lang pero bawat sabi nila sa pangalan niya ang puso ko parang gago dahil bigla biglang titibok na akala ko may sumipang kung ano.
Umakyat ako sa kwarto ko. Bago na ang boothcamp namin and tig-iisa na kami nang kwarto. Wala eh, mayaman ang mga boss namin, atsaka ito yung regalo nila sa amin dahil masyado raw kaming gumaling.
Kakahubad ko pa lang ng damit ko nang pumasok na sina Arius, Trevon, Chivon at Voel. Napailing na lang ako nang humiga si Trevon sa kama ko, si Chivon pumwesto sa may carpet habang sina Arius at Voel umupo sa may couch.
"Uma-ano kayo mga gago?"tanong ko sakanila at agad na nagsuot ng damit.
"Asus, namention lang ang pangalan ng bub ko eh nagbago na agad ang ekspresyon mo."pangungutya ni Trevon na sinundan rin nila nang tango tango.
Pinakyuhan ko sila kaya tumawa ang mga gago."Oh anong big deal ron?"
Ngumisi sila."Halatang crush mo na"sabi ni Voel napailing na lang ako dahil masyado silang judgemental.
"Soren no more na ba?"nakangising tanong naman ni Chivon. Napabuntong hininga ako at napailing iling. Ewan ko kung mga kaibigan ko ba tong mga to o mga tsismosong demonyo.
"Hindi siya nawala sakin."sagot ko at umupo sa may carpet at sumandal sa kama. Agad na lang akong napailing dahil biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Euphrasia.
"Pero....."I paused. Isa isa ko silang tinignan, agad na sumama ang mukha ko dahil mukha silang mga demonyong nagaantay na makasala ang binabantayan nila.
"Pero hindi ko mapagkakailang nasa memorya ko na lang kasi may laman na."dagdag ko at napakamot sa ulo dahil sa sinabi ko, well, I don't need to lie to them dahil alam kong mangungulit ng mangungulit hanggang sa mapaamin ako.
Bigla silang naghiyawan na akala mk nanalo kami sa DSO. Napailing na lang ako at kumuha nang unan.
"Pre! Gagong to! Paano?!"buong lakas na sigaw ni Chivon. Napangiwi ako nang dagdagan nila iyon ng hiyaw, kaya palagi kaming nabibigyan ng notice dahil sa mga bibig nila mukhang mga gago. Kapag magkakasama kaming lima hindi ko mapigilan ang bibig kong murahin sila. Ganyan talaga siguro kapag demonyo ang mga Kaibigan mo.
"Hindi ko alam"tanging sagot ko kasi hindi ko naman alam kung paano nagsimula kasi sabi ko nung una makakatanggap ako nang babaeng mananatili sa akin tapos yung mahal ako hindi ko naman akalain na palagi kong kasama ang babaeng bigla ko na lang nagustuhan. Hindi ko maipaliwanag dahil masyadong malabo kung saan nagsimula lahat.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...