This chapter and my baby boy Zilch is dedicated to mishfuego (oo, binibigay ko na si Zilch sa'yo, tutal magka-bday naman kayo😆)🤭 Sipag mong mag re-read bebe, thankyou sm, mwa💋
+++
"Should I speak in tagalog ba?" Tanong ni In-Kyu. Nasa kusina kami, we're all taking breakfast bago magsimula ang photo shoot namin sa sariling studio ng bahay.
"Kung saan ka komportable. If you want to speak korean just speak. Ayan naman si Iñigo para mag-translate."
"Mamayang alas nueve pa dadating ang uniform. Kumain muna kayo."
"Magiging bloated talaga ako nito. Hindi ako kakain." Sabi ni Danica na sinang-ayunan rin ng tatlo.
Nagsalubong ang kilay ng mga fiance nila.
"Isang subo lang, Danica."
"Ewan ko sa'yo jan, Sierra. Bloated bloated pang nalalaman. Maganda ka naman ah!"
"Oh! Oh! Umangat ang tenga! Kinikilig oh!" Pangaasar ni Langston na dinagdagan naman nila ng tawa ng namula si Sierra.
"Ako? Hindi rin ako kakain, Lucius. Hindi mo ba 'ko pipigilan?" Ayan na, aatake na si Lucius, matatamik nanaman 'tong si Kenji at sasama nanaman ang loob.
"Wala akong pakialam. Kahit mamaya at sa gabi h'wag ka nang kumain, mabilis maubos ang ulam sa'yo." Walang pakialam na sagot ni Lucius. At ayan na nga si Kenji, nagdabog na at kumain na lang.
They're always like that, palaging nababara si Kenji ni Lucius. Hindi na bago iyon sa'min, we're getting used to hear or watch them like that.
"Nalabas na ba yung magiging match?" Dylan asked.
"Excited much, sa opening pa ilalabas 'yon.'
"Eh?" Nagsalubong ang kilay ng apat.
"Iba 'yung opening sakanila. Before the tournament, they're leaking kung sino ang makakalaban ng grupo." Paliwanag ni Papa habang nakapatong ang braso sa ulo ko. Nagmana talaga sakanya sina Kuya, ginagawa akong patungan.
Napatango sina Helix.
"Iba nga talaga sa inyo. No wonder why the match is always unexpected and surprising."
"Sa inyo ba?" Tanong ni Langston. Nilahad niya sa akin ang pitsi pitsi kaya kinain ko rin.
"Binibigay muna sa amin yung lista bago ang tournament, like a day before. And then with that, we can prepare for the next day." Paliwanag ni Helix.
"Kaya pala ang gagaling sa surprise battle e." Pailing iling na sabi ni Haruto.
"Ano ba! Kami lang 'to." Ngumisi si Kenji.
"Asus! Don't state the obvious." Lachlan smirked.
"Hindi na bago ang makarinig ng ganon." Sinuklay ni Lenox ang buhok.
"Hindi na ako magpapa-salamat. Totoo naman 'yang sinabi mo e." Nagyayabang na nagpa-pogi pose si Langston.
Napailing iling sina Kuya Link at Kuya Lucian. Napairap naman ang mga babae. Napatawa ako.
"Mali talagang sabihin 'yon, nagiging hot air balloon ulo mo." Sabi sakanya ni Iñigo.
"Ang hot ko naman dahil HOT air balloon pala ako."
"Kumuha kayo karayom at itusok sa ulo niyan." Nagsalita si Eustace. The table filled with laughters.
"Ito talaga oh! Hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo!"
"Hindi kita inimbita."
"Ate oh," tinunggo tunggo ako ni Langston para magsumbong.
"Hindi ka rin niyan iimbitahan sa kasal nila ni Aexl. Bawal mga demonyo sa simbahan."
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...