AEXL POV
Laban nina Euphi. Kalaban nila ang Figure 7. Last game sila ngayong umaga kaya hindi na ako umalis dahil gusto kong manuod after our game. 8 teams entered the quarter finals. After magtaktakan, proceed na kami sa semi's, this is kinda nerve wrecking since paminsan minsan aasa na lang kami sa milagro na baka sa ngayon mananalo kami pero pagkabukas hindi na. We need to gather scores.
Katabi ko nga rin sina Boss at sina Chevi—na for sure mawawala nanaman para makipagchismis sa ibang team dito.
"Nasaan si Arius?" Tanong ko kay Trevon.
May tinuro siya kaya lumingon ako don. Ang walang hiya kong kaibigan nasa upuan na ng Luctor et Emergo at katabi ang editor nilang si Ice.
"Nanliligaw na ba 'yan?"
Tumawa si Trevon. "Hindi nga makalusot yan kay Ace. Si Lachlan ang pinuntahan don pero mukhang nilulusutan si Ace."
Tumingin ako sa LED screen. There's a videographer na sumusunod sakanilang naglalakad papasok. At mula sa screen, kitang kita ang paghaharutan nina Langston, Haruto at Dylan. Nagtutulakan sila. Hanggang sa isinama nga nila si Euphrasia. Nagtutulakan na silang apat ngayon gamit ang mga balakang nila.
Wala naman ako sa sariling napatampal sa noo ng ma-out of balance si Euphrasia ng itulak siya ni Langston gamit ang balakang. Sinalo tuloy siya nina Link at Eustace. Nagtawanana naman sila at nag-lakad ng maayos.
Si Euphi mukhang mas bata kina Haruto dahil sa height niya. I mean, 5'6 is mataas nga naman pero tumabi siya sa 5'11, 6'0 at 6'1, edi nagmukha siyang mababa.
"Ang taas naman ni Euphrasia." Rinig ko si Boss Eiko. "Parang dati lang baby ko pa 'yan ngayon may baby na."
Tinunggo tunggo ako ni Boss Eiko. Napailing iling na lamang ako. Baby daw, e panay nga ang tawag sa'kin ng chong at pre.
From the LED screen, nakita ko naman ang girlfriend ko naupo sa inclined chair. Kinalabit siya ni Langston at binulungan. Lumaki naman ang mata niya at bumulong pabalik.
"Alam ba nilang live sila?" Tanong ni Boss Euriel. Usually, hindi nila-live ang pagse-set-up kaya siguro they're clueless din.
Nagse-set up sila pero si Langston at Euphrasia nagbubulungan pa. Si Haruto at Dylan sumali sakanila. Natawa ako. Nagchi-chismisan rin naman kami habang nagpe-prepare pero hindi naman kami nahuli.
Maya maya, natigil silang apat ng lumabas si Link sa likod nila. Natawa ako dahil kunwari silang busy habang nakapamewang si Link.
Kinalabit naman ni Link si Euphrasia at tinuro ang camera. Euphrasia looked at the camera, nagulat pa siya. Mukhang di napansin ang camera na kanina pa nakasunod sakanila.
Euphrasia waved her hand, she smiled and even winked.
Tumaas agad ang sulok ng labi ko. Damn that pretty face. She literally pulled my heart out from my ribcage.
May mga naghiyawan naman mula sa audience.
"Cap." Tawag ni Boss Eiko.
"Po?"
"Sinong kamukha ni Euphrasia? Diba ako?" Tanong niya sa akin.
"Tsk. Ang layo ng mukha niyo. Ako ang kamukha." Agap ni Boss Yuri.
"Kamukha niyo si Papa at kamukha namin si Mama. So, Euphi looks like me."
Ayos din tong magkakapatid na 'to. Imbes na makipag-tagisan sa mga asawa kung sino ang kamukha ng anak, nakipagtagisan pa para sa isa't isa para malaman kung sino ang kamukha ng kapatid.
Two teams on their own camp was shown. Ang Figure 7 hindi na gumagalaw sa mga inclined chair samantalang ang Luctor et Emergo, no comment na lang ako.
Mukhang may humirit ng joke at nagtatawanan sina Euphrasia. Kahit may mga nerve gear kitang kita ang mga ngisi e.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...