Chapter 41: District Survival Last Skirmish

122 5 1
                                    

GAME WORLD

I looked around, the Last Skirmish is about to happen so I'll taking it seriously. Marami kaming nakuhang flag pero hindi ibig sabihin nun kami na ang mananalo, tatlo lang ang totoo, kapag dalawa ang nasa amin kami ang panalo.

Akala ko kahapon ng gabi gaganapin pero sa araw pala, kaya ito ako ngayon kasama sina Chaos sa base namin sa loob ng ORPHEUS nagaantay sa oras ng huling Laban. Alas Otso trenta magsisimula pero alas siete trenta pa lang ngayon kaya may Isang oras pa. Mabuti na nga lng talaga sinabihan ako ni Coach Rodan kagabi kaya maaga akong nakatulog tapos maaga rin akong nagising. I woke up Six in the morning, ate breakfast then showered tapos pwesto na agad.

"Chaos, nakita ko mga facebook yung mga post"sabi ko, nakaupo ako sa may gintong lupa at tumingala kay Chaos na nakatayo lang.

"Anong mga post?"he asked cluelessly. Ang apat naman nasa may likuran ko nakaupo lang rin pero itong si Chester nakapatong ang ulo sa balikat ko kaya hindi na ako gumalaw.

"Criticism sa District 1 kasi raw nasa pinakababa tayo nung First District Survival tapos bigla tayong nanalo"

Napatango tango naman siya,"I saw that too. I don't know what's with them honestly, I don't get it why they have to become a pests by criticising our Victory"

"Malamang mga bashers na galit sa Silent Peace at District 1"sabi ni Chester na pinaglalaruan na ang buhok ko ngayon.

"They're insecure or they didn't expected na ang Top 14 na grupo biglang umangat sa uno.... You know, may iilan na papabayaan ang panalo mo at maging masaya na lang at may mga taong judgemental at ipagpipilit ang mga katarantaduhang galing sa utak sabay post sa social media na akala mo may sense mga pinagsasabi"inis na sabi ni Demon Blood.

"Kalma lang pre baka kami ang i-eliminate mo"natatawang sabi ni Terra3 na sinundan ng tawa ni Hendrickson kaya natawa na rin kami.

Natahimik ako at napaisip. Bago kasi ako natulog kagabi naglaro muna ako para magpa-level ng isa.

"Bakit ang bilis magpalevel?"I asked out of nowhere.

"Ganyan talaga 'yan, but kapag sa 45 ka na halos makukuba ka sa kakagawa nang quest para lang tumaas ang level mo."napatango tango naman ako sa sagot ni Chaos.

"Necromancy Defense mga tol?"Demon Blood asked. We all raised our thumbs.

"Bumili agad ako kagabi sabay pa enhance"I answered.

Necromancy Defense is a defense we used to defend some magic galing sa mga Warlock or even Reapers, Mind Controllers and Aquas.

"May wirdo sa akin"sabi ko at agad na tumayo nagulat ako habang sila malaks na napatawa nang bumgsak si Chester sa sahig.

"Ay! Sorry! Nawala sa isip ko!"pagpaumanhin ko habang natatawa at agad na itinayo si Chester.

"Kingina, wala pa yakult. Kalmahan mo muna"sabi niya kaya natawa ako.

"Anong wirdo sayo?"tanong ni Chaos kaya napabaling na ako sakanya.

"Kagabi kasi magpa-level up ako kaya 27 na ako ngayon. Don yata sa may Silvius yung puro batuhan...."panimula ko, tahimik naman silang nakikinig.

"Eh yung bato naging Monster yung malaking malaki, tapos non walang may binagsak na rare items or items man lang pero yung defense ko at damage sobrang taas na"I told them. Pinakita ko iyon sakanila hanggang sa napangisi sila at nakipagapir.

"You're the Unexpected Danger, Bling"

++

Kasabay ng pagkarinig namin sa hudyat ay siyang pagtanguan namin at agad na tumakbo. Magkasama kaming dalawa ni Chaos dahil hindi pwedeng mabilisan na mawala si Chaos sa laro, ako ang poprotekta sakanya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now