April 3, 2029
Several Days Later.
Sa kasagsagan ng kagandahan ng araw may demonyong nagpapangit sa maganda kong araw.
"Putangina mo Lionel, isa pang galaw ng buhok ko tatamaan ka nang kamao ko."
Pero agad rin akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang boses."Kahit tulog, si Kenji parin."
Agad na sumama ang mukha ko,"Keaga aga andito ka tapos puro ka Kenji. Jowain mo kaya 'yon."
Napatawa siya,"Malamang Aalis tayo. Hindi ka pa bumabawi kaya tapos nakalimutan mo pa."
Napairap ako,"Chong, practice play kami kagabi, atsaka jusko alas sais ng umaga. Exited na exited na girl?"
Napatango siya,"Malamang! Sa maraming araw na hindi tayo nagkikita hindi pa ba ako maeexite rito?"napailing iling na lang ako.
Tumayo na ako at dumulong sa banyo. Nahiga naman siya sa kama ko at nakialam sa camera ko.
Halos Isang oras ang ginulgol ko bago ako matapos maligo, sa kinahaba haba ba naman ng buhok ko. Paglabas ko nakahiga parin siya pero hawak hawak na ngayon ang cellphone ko. I'm wearing a tank top then a fitted highwaisted jeans. Umupo ako sa kama at nag suot ng sapatos.
"Ginagawa mo nanaman sa cellphone ko kumag?"tanong ko sakanya habang nagsisintas.
"Dami niyong picture ni Kenji ah."aniya. Napailing iling na lang ako. Ayaw niyang tigilan si Kenji kahit sa nagdaang araw. Dito nga sa bahay pinagseselosan rin si Kenji kasi bawat away nila, ang mga babae agad na pumupunta sa kwarto nina Lucius at Kenji para makipagtsismisan.
"Edi picture rin tayo, mga One thousand."sagot ko at tumayo. Tinanggal ko naman ang twalya sa buhok ko at kumuha nang blower.
"One thousand sixty eight yung picture niyo."he affirmed and lay on his belly as he showed me my phone. He even scrolled it. Mga katangahan lang naman namin ni Kenji yung mga picture na yan.
"Bat ka ba nagseselos ron?"I asked, pertaining to Kenji na sana huwag matapilok kasi siya pinaguusapan namin. Umupo si Aexl at itinuro ang gilid ng kama kaya pumunta ako ron.
Umupo ako. Kinuha niya sa akin ang blower. Lumuhod naman siya sa likod ko at siya na ang nagblower.
"He's always with you. Nung sa Xylo pa, patawa tawa pa kayo. Ano ba pinaguusapan niyo?"tinignan ko naman ang mukha niya sa salamin na nasa harapan namin, salubong ang kilay niya habang nakasimangot.
I chuckled,"Nagmumurahan lang naman kami non, ano naman ang pagusapan namin? Atsaka kung magusap kaming dalawa nun tungkol sayo o di kaya kay Lucius, o di kaya sa DSO, sa pera, sa mga kotse, sa mga building rito, tapos minsan ng cocontest kami, patalinuhan o di kaya pinagttripan namin sina Langston rito. Atsaka, mukha na kaming magkapatid ng hatdog na yon."paliwanag ko.
"Pwede mo kong idescribe as gwapo pero hatdog pa talaga. Tshirt ko asan?"agad kaming napatingin sa pintuan.
"Anong tshirt ka jan?"agad kong tanong sakanya.
Deretso siyang pumasok,"Girlfriend mo nagnanakaw ng Tshirt, ayaw ibalik."sumbong niya kay Aexl. Agad kong binato sakanya yung nadampot kong unan.
Napatingin ako kay Aexl na masamang tingin ang pinupukol kay Kenji na payapa lang naman na hinahanap yung tshirt niya.
"Oy yes, andito. Tangina mo talaga Euphra-----"agad siyang napahinto sa pagsasalita nang makitang masama ang tingin sakanya ni Aexl. Agad akong napatabon sa bibig para hindi marinig ang pagtawa ko dahil confuse na confuse ang mukha ni Kenji.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...