REAL WORLD
Euphrasia Yesenia Kristopher
"You'll learn a lot from Aexl..."sabi ni Kuya pagkababa ko sa kusina. Mamayang alas siete trenta kami magpapalevel up ni Aexl.
"Halata naman. Ang cool kaya niya, tapos nung nakipag 6v6 sila sa Sea Dragon Pucha ang intense"pagkwento ko, pagkatapos kasi naming kumain agad na nakipaglaban sina Chevi kaya ayun nanuod kami. Dun na nga rin kami nagtanghalian at hapunan eh kaya nadagdagan nanaman ang mga friends ko.
"You said you wanna be a pro E-Sport player. Wanna sign a contract?"tanong ni Kuya Euriel. Natatawa akong napailing.
"Hindi muna ngayon....atsaka, ayaw ko sa Principium"sabi ko, napangiwi sila.
"Anong gusto mo? Sa Silent Peace?"tanong niya. Nasabi ko rin kasi ang pag aya ni Chaos na hindi ko alam kung totoo ba talaga or charot charot lang.
Umiling ako,"Wala akong plano na sumali sa malalaking team, kung may chance man sa pinaka hindi kilalang team ako sasali para kapag na known na kami agad silang ma-aamaze kasi ang mababang team umangat"pagkwento ko.
"Yeah, that's good"Kuya Euriel nodded.
"It's valid and it's good"Kuya Yuri nodded.
"Hati tayo agad sa pera"sabi ni Kuya Eiko kaya pinagtaasan siya namin ng gitnang daliri.
"Nagtext na si Aexl na nagaantay na raw siya sa Parthenon, mauna kana sa taas. Si Eiko ang maghuhugas ng plato"sabi ni Kuya Euriel ng makitang tapos na ako.
Agad akong tumayo at dumila kay Kuya Eiko na nagmamaktol kila Kuya. Pumunta ako sa storage room para kumuha ng kettle corn at cookies pati na rin bottled water at agad na pumunta sa taas.
GAME WORLD
Nakasakay lang ako ngayon kay Ting, nang makita ko si Aexl na nakasandal sa isa sa mga poste ng Parthenon. Hindi na ako pumunta sa District 1 papasok, sa may labasan na lang ako kasi parang kinakabahan akong pumasok, sa labas kasi may iilang tumitingin saakin na para bang alam na alam nila ang mga krimen na ginawa ko sa buhay katulad ng pagpunit ng reviewer ni Kuya Euriel kasi hindi niya ako binigyan ng chocolate, ang pagbasa ko accidentally ng crime book ni Kuya Yuri at sinisi ko si Kuya Eiko na natutulog at ang aksidenteng napunit ko ang Blue Print ni Kuya Eiko dahil sa takot, magisa lang kasi ako nun sa bahay tapos tinignan ko blue print ni Kuya para tignan for examples tapos biglang nag howling ang aso ng kapitbahay eh sabi ni Kuya Eiko kapag ganun raw may Mumu kaya ayun napunit ko ng wala sa oras.
"Psst"tawag ko ng huminto ako. Ngumiti si Aexl at sumakay rin sa kabayo niyang kulay pula.
"Monster Raid tayo, around sa swamp ng Silvius"sabi niya habang bumabyahe kami.
Nagtaka naman ako kasi halos puro bato lang ang nandun ng dumaan kami ron."May swamp ron? Akala ko puro bato lang"
Napailing siya,"Meron, malapit sa District 14"napatango naman ako. Ang gwapo rin nitong si Kapitan, I mean sa totoong buhay niya ah, medyo singkit kasi mata niya, tapos sharp jaws na may pagkapoint ang nose tapos thin lips na medyo pink, tapos pagtumatawa siya yung mata niya nawawala tapos biglang lumalabas yung dimples niya.
"Did you play some games before this?"tanong niya pagkalampas namin sa may District 6, pinapagitnaan kasi ng District 6 at 7 yung Parthenon, pupunta pa kaming Masonry para bumili ng espada kasi nga wala ako.
Umiling ako,"Never tried but I watched. Alam mo na mga Kapatid ko, tambay silang tatlo sa computer shop palagi kaya sumasama rin ako. There's a time that after nila akong masundo sa school agad kaming pumupunta na apat sa computer shop, naglalaro sila habang nakakandong ako sa kung sino man sakanila habang naglalaro. Tapos paguwi sagot lang namin, nagmeryenda pero kapag kumakain na kami ng hapunan daig pa namin ang mga construction worker dahil sa dinarami rami naming kumain. Hanggang sa nahuli kami nina Mama, sina Kuya pinaluhod sa may doormat at pinalo ng sinturon habang ako may libro sa magkabilaan kong kamay tapos meron rin sa ulo kapag malaglag ko yung mga libro may palo ako"pagkwento ko, natawa naman siya kaya natawa narin ako.
YOU ARE READING
District Survival Online
Science FictionAs Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Professional E-Sport Player just like his brothers. As she joined the Principium (Season 1 Top 5 team) as the substitute of the team all she wanted...