Chapter 51.2: Boothcamp

92 9 4
                                    

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga Kapatid kong nakikinig sa bilin ni Mama. Akala mo talaga mga maaamong tupa, tignan lang natin ang mga IG story ni Kuya Eiko. I smirk.

Sumama ang mukha ko nang tabihan ako nang Tiyahin kong bored sa buhay at bigla na lang tinusok ang pimples ko. Mukhang tanga, akala niya yata ang linis ng kamay niya.

Masama ang tingin kong nilingon siya. Pinagtaasan niya ako nang kilay niyang fake.

"You're pimples are coming back. Iww."she insulted in a dramatic and over acting way. Ang arte nito, no wonder bakit magkapatid sila ni Mama. Si Mama kasi silent judgemental lang, titignan kw lang niya in a sarcastic way sabay ngiwi at irap, habang itong mga to pinagmumukha pa sa'yo.

Medyo nakakainis na siya kaya papatulan ko muna, hindi naman tumitingin sina Mama eh.

I smirked,"Unlike your boyfriend."pinagtaasan niya ako nang kilay lalo. Sa sobrang taas, kulang na lang lumipad na lang bigla.

She crossed her arms and look at me with a threat."So you're talking back."

"Cause that's how insulting works."pabalang na sagot ko at nilampasan siya. Paglapit ko kina Papa agad akong hinila ni Kuya Eiko sabay panggigil sa yakap kaya agad ko siyang hinampas sa likod. Ito man ang pinakamaingay at kengkoy pero kapag galit daig pa sina Mama at Papa, pero marupok rin to, isang ngiti lang ayos na kay Kuya Eiko. Itong kumag na 'to, halos lahat ng pinaggagawa niya sa araw araw ikinukwento niya sa akin kaya nga minsan nakakatulog na 'ko dahil sa sobrang haba pero ayos lang 'yon, wala pa naman siyang girlfriend para may mapagsabihan kaya ako muna pero dati 'yon, ngayon meron na, siya rin palagi ang kabardugalan at kasuntukan ko, siya lahat ang kaaway ko sa lahat ng bagay, ni sapatos nagaaway kami, hindi naman samin yung sapatos kay Kuya Euriel.

"Tangina mo, ang sakit."reklamo ko, tumawa siya at binatukan ako. Hinila naman ako ni Kuya Yuri. Niyakap niya nanaman ako sabay halik sa ulo ko. Kuya Yuri is the passive one among the three but this bitch sure have a soft heart, ni Kuting na nakita namin sa kalsada binigay niya yung bacon wrap burger niya tapos nakihati sa akin, munggago, pero ayos lang, lahat yata nang sikreto ko alam ni Kuya, well, I believe in the saying that Lawyers are good for hiding secrets, pati nga rin mga secret niya alam ko, lol. Sa'kin rin siya umiiyak kapag natalo niya yung Isang kaso o ri kaya trip niya lang magdrama.

"Papa si Kuya nangaagaw."sumbong ni Kuya Eiko hanggang sa hinila ako ni Kuya Euriel kaya si Kuya Yuri naman ang nagsumbong...."Papa oh"

"Ewan ko sainyo. Akala niyo hindi na kasal." Inirapan ko si Kuya Euriel dahil hinalikan ako sa pisnge hanggang sa gumay na ang dalawa kaya nandidiri akong napasimalmal ang mukha. Pinakaseryoso si Kuya Euriel sa tatlo, kapag napipikon siya o di kaya kapag galit may cold war agad, tapos dahil nga siya matanda, hindi pa kami naniniwalang galit siya sa una kaya pinipikon pa namin siya lalo kapag nararamdaman na naming galit na galit na siya, tatahimik kami tapos itutulak ako nang dalawa kay Kuya Euriel tapos ako ang magsosorry at magkikiss, kapag sumimangot si Kuya agad namin siyang aasarin hanggang sa nagtatawanan na kaming tatlo.

"Yakk!"agad nila akong binatukan kaya sinuntok ko sila. Medyo may kirot sa puso kasi alam kong hindi na ako ang pagtutuunan nila nang pansin dahil meron na silang nga bebe, well, hindi naman masisisi dahil nga matanda na rin sina Kuya, I should practice living without their presence na nakasanayan ko. Nung bata ako, palagi kong iniisip na hanggang sa lumaki ako magkakasama parin kami pero nung dumating na sa puntong 'yon mahirap palang i process. Wala pa naman pero nagseselos na ako kina Ate, huhu, pero hindi ako Galit ah, My brothers deserve a woman who will love them at nakita ko 'yon kina Ate.

"Papa si Euphrasia ah."bilin ni Kuya Euriel na akala mo siya ang umire sa akin. Agad na napangiwi si Mama habang sina Ate napatawa na lang.

Binatukan ni Ate Auxeen si Kuya,"Ikaw umire?"natawa naman ako sa tanong sabay tango tango.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now